Jordan's POV
Apat oras ang lumipas... OPO APAT ORAS... :3
So yun na nga, apat oras ang lumipas bago ko nakuha yung tamang timpla. Pano kase nung una matabang tas sabi ni babe dagdagan ko na lang daw ng pampalasa kaya dinagdagan ko, yun nga lang nasobrahan naman kaya umalat. Pangalawang try medyo ok na pero kulang pa rin.
Ngayong pang apat sana ok na -_-
Nag ku-kwentuhan na lang kami ni babe habang hinihintay naming kumulo at lumambot yung pork at beef ng biglang tumunog yung doorbell ko. At opo pork and beef, yun yung gusto ni Jorcell sa caldereta para daw malasa.
"Wait lang babe ah." May bisita ata ako.
Paalam ko kay babe, tumungo na lang sya bilang sagot.
"Mom?"
Gulat kong tanong pag bukas ko ng pinto.
"Hi baby!"
Bati nya sakin kaya napa PF ako tapos nag lakad ako pabalik ng kitchen.
Pag balik ko ng kitchen ay umupo ako ulit sa tapat ng laptop ko.
"Oh ba't ganyan face mo?"
Takang tanong ni babe.
"How are you baby?"
Tanong ni mom ng maka sunod sya sakin.
"Hahaha, alam ko na kung bakit."
Natatawang sabi ni babe.
"Hi tita."
Bati ni babe kay mom.
Mom: "Oh hi Cha, how are you?"
Cha: "I'm doing good po. How about you tita?"
"Okay lang din iha."
Sabi ni mom ta's huminto sya.
"Ano yung naaamoy ko?"
Tanong ni mom kaya naalala ko yung pinakukuluan ko.
"Nag luluto ka son?"
Tanong nya sakin.
"Yes tita. Nag papaturo syang mag luto para sa first anniversary nila ng girlfriend nya."
Sabi ni babe kaya medyo nagulat si mom.
"May girlfriend ka na son? Seryosohan na ba yan? Well I guest so, hindi ka naman mag eeffort mag paturo kung hindi diba?"
Masayang sabi ni mom tapos tinikman nya yung niluluto ko.
Habang nilalasahan ni mom yung caldereta ay biglang lumakas tibok ng puso ko. Langya sana naman ok na this time, kilala ko si mom mapili din sya sa pag kain. Mataas ang standard nya e.