Chapter 20 Panaginip (Part 2)

43 3 0
                                    

Jiana's POV


"Kevin, gustong sabihin sayo na wala kang maling ginawa. Mahal na kase kita e, kaya ako umiiwas. Sor--- URGG kainis!"

Maktol ko habang parang trompo na paikot ikot dito sa kwarto ko.


Naka uwi na ko kanina pa at ngayon nag papractice ng kung anong sasabihin ko sakanya. Nakakainis kase kinakabahan ako, ito ang unang beses na una akong aamin kahit sa crush ko hindi ko 'to ginawa noon.


Ganito na ba kalakas ang tama ko sa lalaking yun para mag kaganito ako ngayon? Ibang klase ka Clamente hindi ka lang sakit sa puso, sakit ka din sa ulo.


Waiting...


Waiting...


Waiting...


Waiting...


3AM na pero wala pa rin sya, yung kaninang kaba ko dahil sa pag amin ko ngayon ay mas tumindi hindi dahil sa gagawin kundi sa pag aalala. Sa tagal ng panahon na mag kasama kami ngayon lang sya nalate umiwi ng ganito, ang pinaka late nya kase ay 1AM. Yung kambal na kase ang bahala sa bar ng mga ganitong oras.


Dapat bang tawagan ko na yung kambal? Dapat na ba akong mag panic? Mag tatanong na ba ako sa kanina? Kung gagawin ko yun baka naman mag isip sila ng kung ano diba? Gosh Ji ngayon mo pa ba iisipin ang sasabihin ng ibang tao?


Dali daling hinanap ng mata ko kung saan ko nailapag yung cellphone ko na binitiwan ko kung saan kanina, at nang makita ko ito ay agad kong tinawagan si Xian.


"Oh Ji, wag mong sabihing hindi ka nakuntento sa panaginip mo kasama ako at tumawag ka pa talaga sa ganitong oras."

Sabi nya pag kasagot ng tawag ko na nag pataas ng kilay at paikot ng mata ko.

"Baka nakakalimutan mo taken na ko Ji."

Dugtong nya.


Pero hindi ko yun pinansin, ang pinag tuunan ko ng attention ay yung boses nyang para bagong gising.


Ako: "Natutulog ka?"


"Oo Ji tulog ako."

Sarcastic nyang sagot saka sya nag hilik.


"Langya ka Xian umayos ka nga."

Irita kong sabi.


"E ayusin mo kase tanong mo Ji. Bakit ka ba napatawag? Inaantok pa ko e."

Sabi nya and then narinig ko syang humikab.


"So nasa bahay ka? Wala ka sa bar, si Kevs ba ang duty sa bar ngayon?"

Tanong ko pero di sya agad sumagot.

"Uy!"


Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon