Anne's POV
Niyakap lang ako ni dad ng mahigpit, walang nag salita saming dalawa after nyang sabihing...
"Sorry princess"
Sa dalawang salitang iyon, parang biglang nawala yung galit ko I mean ung tampo ko. Lahat ng inis, pag kabadtrip ko, lahat lahat isama mo na pati headache at hangover ko, bigla na lang nawala dahil sa salita at sa yakap na un.
Ganun talaga siguro, mahal ko ang dad ko at hindi ko sya matitiis, pero di nyo naman ako masisisi diba? Masakit kayang makalimutan ng taong hindi mo akalaing makakagawa nun.
Kumalas ako sa pag kakayakap ni dad saka ako humarap sakanya.
"Princess please forgive me. Ayoko ng nag kakaganito tayo, alam mo bang hindi ako mapakali, hindi din ako naka tulog kase alam kong galit ka sakin."
Sabi nya.
Ako: "Kasalanan ko? Ako ho ba nakalimot?"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin princess, pero ayoko ng lumipas pang isang araw na nag tatampo ka pa rin sakin."
Sabi nya saka ko sya nilagpasan at umupo sa dining. Sinundan nya ko at umupo din sa pwesto nya.
"Kahit anong gusto mo ibibigay just tell me."
Dugtong nya pag kaupo nya.
"Dad alam mong hindi material na bagay ang gusto at kailangan ko. I just want you and I just need a little bit of your precious time.
Inis kong sabi.
Dad: "I know! Ang ibig kong sabihin ay if you want us to go out of town then let's go."
"Tayo lang?"
Tanong ko.
"Just the two of us!"
Naka ngiti nyang sagot.
"I'll think about it."
Sagot ko saka ko inumpisahan ang pag kain sa breakfast ko.
Papakipot muna ako sandali ah may tampo ka kase talaga ako e, pero konti lang. Di ko naman matitiis si dad e.
Jiana's POV
Dito kami ngayon sa Baguio, kakatapos lang naming mag check in at kakagaling lang din namin ni Kevin sa mall para bumili ng gamit good for 3days.
Tamang tama matagal na kong di naka bisita dito, na miss ko ang Bagiuo super. Ngayon kailangan na munang mag pahinga kase gabi na, bukas ng umaga sabi ni Kevin ay pupunta daw kami sa kung saan saan, in short may iikot kami simula umaga hanggang... gabi? Or kung hanggang mapagod? Well sorry sya ako yata ang babaeng wala kapaguran pag dating sa mga ganitong ikutan. Haha!