Gaya ng kagustuhan ni Jorcell umuwi ako samin at bumalik sa mga magulang ko. Biruin mo nga naman oh nasasaktan ako ngayon dahil sakanya, dahil iniwan nya ko pero ano? Sya pa rin, sinusunod ko pa rin ang gusto nya.
Nag dadalawang isip man ay tuluyan akong pumasok sa bahay namin at nag tuloy sa hagdan para umakyat sa kwarto ko pag akyat ko ay tamang tama naman na lumabas ng kwarto nila sila mom and dad.
"Oh ano?"
Sabi ni mom pero di ako umimik, naka tungo lang ako at nag pipigil ng galit. After all, alam ko pa ring nanay ko sya.
"Anong napala mo sa babaeng inyon ha Jordan? Wala na sya, iniwan ka na nya hindi ba? Wala talagang madudulot na maganda ang pamilya nila."
"Stop it... mom."
Naka yuko ko pa ring sabi.
"Wag mong sabihing ipag tatanggol mo sila? Tignan mo nga itsura mo Jordan! Hindi ang babaeng iyo ang dapat sayo madaming babae dyan na---"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinagot ko na si mom.
"Diba ito naman ang gusto mo? Ninyo? Ang mag kahiwalay kami, ang iwan nya ko? At ang masaktan ako ng ganito? Sapilitan nyo kong dinala dito, na masasanay ako dito sabi nyo pa nga minsan dito ko makikita yung kaligayahan ko, pero ano? Nung nakita ko na kaligayahan ko ginawa nyo lahat para mag hiwalay kami, akala nyo ba hindi ko alam na kayo nag paalis samin sa tinitirhan namin at nag papaalis sakin sa mga trabahong pinapasukan ko? Hindi ako maka paniwala mom, higit kanino man diba dapat sayo ko makuha yung suporta na kailangan ko? Oo tama, hindi si Jorcell ang nanakit sakin kundi ikaw... ikaw na sarili kong ina. Unahin muna namin kayo kase hindi na kayo bumabata at ang mga magulang hindi pwedeng palitan at piliin pag nawala yan ang sabi nya, pero bakit may kailangan unahin mom kung pwede naman maging kami kasabay ng pagiging anak namin sainyo? Bakit kailangan pati kami magdusa sa kung anong meron kayo noon mom?"
Tanong ko sakanya saka ko agad pinunasan yung isang patak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Alam ko sa sarili ko na hindi na mag babago ang tibok ng puso ko pag dating sakanya. At alam ko sa sarili ko na sya lang ang para sakin at walang ibang makaka pag sabi sakin kung sino ang karapat dapat at kung sino ang hindi. Ngayon kahit iharap mo pa ko sa mga babaeng tingin mong karapat dapat sakin hindi ko sila titignan ng kung pano ko tignan ang mahal kong inilayo nyo sakin. Kahit masaktan at maging miserable ako buong buhay ko sya at sya pa rin ang nag iisa para sakin."
Dugtong ko tsaka ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Ilang araw at linggo ang lumipas ikinulong ko ang sarili ko sa kwarto, inom tulog, inom tulog lang ang ginawa ko. Lalabas lang ako pag bibili ako ng alak bukod dun wala na.
"Jordan ano ba, ilang linggo ka ng ganito. Hanggang kelan mo ba balak lunurin yang sarili mo sa alak ha?"
Agad na litanya ng nanay ko pag pasok nya dito sa kwarto ko.
"Mag papasukan na sa susunod na linggo pero tignan mo yang sarili mo."
"Wag kang mag alala mom, sabi sakin ni Jorcell sundin ko daw kayo kaya kung gusto nyo kong pumasok, papasok ako. Hanggang dun muna ang mabibigay ko sainyo."