Chapter 25 Yakap (Part 2)

32 3 0
                                    


Jiana's POV

Nang yakapin ako ni Kevs ay para akong bumalik sa nakaraan.

Kung pano kami nag umpisa.

Kung pano kami nag kakilala sa mall.

Kung pano nya inagaw sakin yung gusto kong stuffed toy.Kung pano ako inihabilin nila mom sakanya.

Kung pano unti unting nahulog ang loob ko sakanya.

Kung pano nya ko tignan bilang best friend gayung higit pa dun ang pag tingin ko sakanya.

Kung pano ako naging sandalan nya nung panahong umiiyak sya dahil kay Charity.

At ang huling alaala na bumalik sakin ay yung nangyari sa kasal ng babaeng pinaka mamahal nya.

~Flashback~

"Shy!"

Halos kapusin sa hining banggit ni Cha ng makitang hawak nito ang anak nya.


Shy: "Gulat kayo no? Hindi ko hahayaang matuloy ang kasal."


Jedrik: "Shy! Bitawan mo ang anak ko."


Kevin: "Shy tama na, maging masaya na lang tayo para sa kanila."


"Shy ano bang gusto mo? Ako na lang bitawan mo lang ang anak ko!"

Then medyo mulapit si Cha ng konti sa kanya.


Shy: "Aww, alam mo kung anong gusto ko Charity."


Cha: "Oo gustong mo akong patayin, sige oh eto na ko just leave my daughter alone."


"Sa tingin mo ba maniniwala ko sayo? Naisahan mo na ko sa party, di mo na ko maiisahan ngayon!"

Sabi nya ng di inaalis ang pag kakatutok ng baril sa anak nila Cha.Baliw na babaeng ito, pati bata idinadamay.


Cha: "Sa tingin mo ba ilalagay ko sa alanganin ang buhay ng anak ko? Come on Shy, kung sa party knife ang gamit mo kaya ako nakalaban, pano pa ako lalaban ngayong baril na ang hawak mo?"


Jedrik: "Hindi Charity, ako ang gusto nyang makuha hindi kita papayagang lumapit sa kanya."


Cha: "Pero Jed---"


"No!"

Putol ni Jed sa sasabihin ni Cha.


Shy: "Ang sweet, alam mo Jed kailangan muna kaseng mamatay ni Charity para di ka na umasang babalik pa sya, para makita mo na ko."


Jedrik: "Nasa tabi ko man si Charity o hindi, hinding hindi kita mamahalin or magugustuhan man lang."


Shy: "Jed, mas maganda ako kay Charity kaya ko ding maging mas mabait kesa sa kanya, masarap din akong mag lu---"


Jedrik: "Shy ok naman tayo nun as friends diba?"


"JED AYOKO NG FRIENDS LANG!!"

Sigaw nya sabay tutok ng baril pataas saka nya pinaputok, kaya lalong umiyak at natakot si Charlotte kaya napatakbo si Cha palapit sa kanila then huminto sya mga 5 steps away from them.


"Bitiwan mo na ang anak ko eto na ko oh, Shy please"

After sabihin ni Cha yun ay bahagyang itinulak ni Shy si Charlotte kaya agad itong hinatak ni Cha sakanya saka sila umatras. Nang makuha ni Cha ang anak nya ay agad lumapit sila Jed at Kevs para kunin ang bata. Nang makuha nila ito ay agad binuhat ni Kevs si Charlotte at ibinigay sa magulang ni Cha at inilayo dito. Pero si Cha naman ang kinuha ni Shy at tinutukan ng baril sa ulo.


"Shy please, sasama ako sayo just let her go"

After sabihin ni Jed un may isang lalaki ang humarang sa kanya.


Guy: "Shy, bitawan mo na yan. Tama na!


Shy: "No kuya, hindi kami matatahimik ni Jed hangga't buhay ang babaeng 'to, sakin lang si Jed kuya Axe. Kuya diba kaya mong ibigay sakin lahat? Halika na.


Axe: "Shy, hindi lahat pwede mong makuha. Hindi para sayo si Jedrik, hindi mo ba nakikita? Ikakasal na sya, kahit mapatay mo si Charity hindi pa rin magiging sayo si Jedrik nasa iba na ung puso nya. Tama na Shy madami na tayong kasalanan sa kanila mag bagong buhay na tayo, please si kuya naman ang pag bigyan mo."


Shy: "Kuya please kahit ano wag lang si Jed, kaya kong mawala ang lahat wag lang sya."


"Pano ako Shy? Kaya mo din bang mawala ako?"

After sabihin nun ng kuya nya ay kinagat ni Cha ung kamay ni Shy saka nya hinawakan ung kamay ni Shy na may hawak ng baril.


Automatic na napa takbo sila Jed, yung kuya ni Shy at si... Kevs. At dun na sila nag agawan ng baril.


BANGGGGGG!!!!!!


~End of flashback~


Alam nya kung ano ang posibleng mang yari sa pag takbo nya papalapit kay Cha pero sumugal pa rin sya. Ganun nya kamahal si Cha, handa nyang ibigay lahat, mapa hamak man sya at maging kapalit man nito ang buhay nya. Ano ba kase ang panama mo Ji, dalawang taon lang kayo nag kasama kumpara sa mahigit limang taon na pinag samahan nila.

Nung panahon yung kitang kita yung pag mamahal na meron sya para sakanya.

Pag mamahal na tangging sakanya lang nya maibibigay.

Pag mamahal na di mapapantayan nino man.

Tingin na para sakanya lang.

Lahat ng sya ay para sakanya.

Para lang kay Charity Dela Fuente

Pero yung pag aalala nya sakin ngayon? Ganun dun sa pag aalala nya kay Cha nung araw na yun.

Yung takot na baka mawala sya.

Yun yung nakikita ko ngayon at nararamdaman sa yakap nya.


"Are you okay? Nag alala ako sayo ng husto."

Sabi nya habang naka yakap sakin.


Bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ako maka hinga.

Mahal mo na ba ako Kevs kaya ka nag aalala sakin ng ganito?

O dahil obligasiyon mo na siguraduhing okay ako?

Bigyan mo naman ako ng sign oh.

Aasa ba ako?

Mananatili na lang bang tago ang nararamdaman ko para sayo?

O may pag asa bang mag karoon ng "TAYO"?

Matitignan mo din ba ako ng tulad ng tingin mo sakanya?

Sabihin mo naman oh.

Please!

Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon