Jiana's POV
Tatlong linggo na ang lumipas simula nung nakita si Kevs. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan actions nya, may nag bago sakanya simula nung aksidente sa dagat.
Di kaya narialized nya na mah... Erase Ji, ano ka ba naman? Mag mamaganda ka nanaman e. Feeling mo naman gusto ka na nya? Alam mo namangang layo ng agwat ng nag mamayari ng puso ng taong nag mamayari ng puso mo e. Paasahin mo sarili mo, masasaktan ka lang. Gumising ka nga!
Anyway, yoko namang mag tanong, baka mamaya nag bibigay lang ako ng ibang meaning maka halata pa 'tong manhid kong kasama sa bahay diba?
"Anong nangyari sayo at bigla bigla kang sumimangot dyan?"
Biglang tanong ni Kevs.
Dito nga pala kami ngayon sa dining nag aagahan.
"Ayan oh ang daming pag kain, kumain ka gutom lang yan."
Dugtong nya sabay lagay sa pinggan ko ng sinangag.
"Kevs naman, ang dami ko ng nakain. Busog na ko."
Reklamo ko.
Kevs: "Busog na pero ang haba ng nguso ang aga aga. Ah alam ko na, gusto mong luma..."
"Excuse me po sir, ma'am."
Di na tapos sasabihin ni Kevs ng dumating yung katulong.
Wrong timing naman oh!!! Ano sasabihin ni Kevs? Kung gusto kong lumabas? Date kami ganun? Langya naman oh kikiligin na sana ako kung totoo nga na yayayain nya kong lumabas.
OMG! Ayan ka nanaman Jiana Mina kaya ka nasasaktan e ang huling mong paasahin sarili mo. Di ba pwedeng bored lang sya at gustong lumabas? -_-
Kevs: "Ano yun?"
Maid: "May bisita po kayo."
"Good morning!"
Speaking of... Nandito ang nag mamayari ng puso nya.
"Good morning din."
Sabay naming bati ni Kevs.
"Kain."
Alok ko.
"Anong atin my love?"
Naka ngiting tanong ni Kevs.
For sure kumpleto na at buo na agad ang araw nya.
"No thanks kumain na ko."
Naka ngiting sabi ni Cha.
"Hmm Ji? Hiramin ko muna si Kevs ngayong araw ah."