Chapter 26 Confused

36 2 5
                                    

Charity's POV

"Ano na bang balita sa pag hahanap kay dre?"

Tanong ni Zec na ang tinutukoy ay si Jojo.


Dalawang linggo na pero hindi pa rin namin nakikita si Jojo.


Nandito kaming lahat ngayon sa bahay ng mga magulang ni Meg, dito muna kase sya simula ng mangyari yung sa yate at habang di pa nakikita ang asawa nya. Kumpleto kaming GorSome at 4Kits ngayon dito. Kasama din ang mga girlfriends nila.


Naawa talaga ako sakanya at the same time nagi-guilty, ako ang nag isip ng planong yun na mag overnight sa yate kaya may responsibilidad ako sa nangyari. Sana hindi na lang ang pag overnight sa yate ang naisip ko, di sana ganito. Pero ano pa nga ba ang magagawa ng "sana" ko kung nangyari na ang mga nangyari diba?


Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay gawin ang lahat mahanap lang ang isang mabuting kaibigan na itinuring ko na ring kapatid sa tagal na panahong lumipas.


"Promise Jo, gagawin ko ang lahat para mahanap ka. Pangako!"

Sabi ko sa sarili ko.


"Negative pa rin e."

Sagot ng asawa ko kay Zec.

"Kahit katiting na sign wala."

Dugtong nya.


"Galing talaga sa larong taguan nun kahit kelan."

Bahagyang pag bibiro ni Troy na ikinatawa ng lahat.


"Sira ulo."

Sabi ni best sabay batok sakanya.


"Aray naman."

Reklamo nya habang hinihimas ang batok nya.

"Pinapagaan ko lang ng konti yung mood."


"Pero sana ok lang si Jojo."

Malungot na sabi ni Pau.


"Anae, ok lang yung si Jojo, kaya wag kang mag alala. Malakas yun e."

Pag papagaan ng loob ni Patrick sa asawa nya.


"Mag meryenda muna kayo."

Sabi ni tita na mama ni Meg saka inilapag ng katulong nila yung meryenda.


"Salamat/thanks tita."

Sabay sabay naming sabi.


"Kamusta po si Meg?"

Tanong ko.


"Ganun pa rin, lagi pa ring umiiyak. Hanggang sa pag tulog pangalan pa rin ni Jojo ang binabanggit nya."

Malungkot nitong sagot.

"Oh pano, akyatin ko muna sya ah."

Paalam nito.

Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon