Chapter 21 Thank you "bestfriend"

29 2 0
                                    

Jiana's POV


Pangapat na araw, pangapat na araw na ng pag lalasing ni Kevs. Nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto nya naka silip sa pinto.


Alam nyo ba kung gaano kasakit makita syang nasasaktan ng ganyan?


Gusto mong akuin yung sakit na nararamdaman nya pero hindi pwede.


Gusto mong pagaanin yung loob nya pero di mo alam kung pano.


Gusto mo syang pasiyahin pero iba ang makakagawa nun.


Nakaka lungkot lang isipin yung taong pwedeng gumawa yun ay sa iba din binibigay ang mga bagay na gusto ko pero hindi ko magawa sakanya.


"Ano Ji, manonood ka na lang ba?"

Tanong ko sa sarili ko.

"Syempre hindi diba?"


Pumasok ako sa kwarto, umupo at tumabi sakanya sa carpet, kumuha ng isang bote ng beer, isinandal ang likod sa kama at saka uminom.


"Anong ginagawa mo?"

Tanong nya sakin ng tignan nya ako.


"BULAG!! Nakita ng nainom tatanong pa."

Sabi ko saka ako uminom ulit.

"Oo kevs bulag ka na sakanya, hindi mo na nakikita na hindi ka lang sakanya sasaya."

Dugtong ng isip ko.


"Kung sa tingin mo matutulungan mo ko sa pag ubos nito nag kakamali ka. Bibili pa ko."

Sabi nya sabay agaw sa iniinom ko kaya kumuha ako ulit ng panibago. Bastos na lalaki 'to ah!

"Dun ka na---"

Di na nya naituloy yung sasabihin at yung pag agaw nya sa beer ko ng mag salita ako.


"Tang*na naman Kevs, di lang ikaw ang nahihirapan, nasasaktan at broken hearted sa mundo. Nasasaktin din ako."

Naiinis kong sabi kaya wala na syang nagawa kundi ang hayaan ako.


Nakakailang bote na rin ako ng mag salita sya ulit.


"May anak na sya."

Sabi nya kaya tumingin ako sakanya sya naman ay uminom lang ulit.

"Mukhang nakuha na nya yung matagal na nyang gusto.

Masaya na sya at masaya ako para sakanya.

At yun naman ang gusto kong makita e, ang makuha nya lahat ng gusto nya at maging masaya.

Pero tang*na, ang sakit e."

Dugtong nya at hindi naka takas sa mata ako ang pag tulo ng luha nya.


Ipinaling ko ang ulo nya papunta sa balikat ko para dun sya umiyak. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa nakikita ko, nang may kumawalang luha sakin ay agad ko 'tong pinunasan upang hindi pumatak sakanya at makitang naiyak din ako.

Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon