Jiana's POV
"At bakit ba ayaw mong sumama?"
Taas kilay na tanong ni Emma.
"Busy ako Emma"
Sagot ko habang nag hahanap ako ng makakain dito sa kitchen.
"Busy or ayaw mo lang dahil alam mong malaki ang chance na mag kita nanaman kayo?"
Tanong ni Emma na nag pa pahinto sakin sa pag hahalungkat sa ref.
"Push mo yan"
Sabi ko saka ako bumalik sa pag hahalungkat sa ref.
And there you go! Haha, naka hanap na din ako ng makakain. Dito na lang ako sa mga pag kain sa ref at least dito di ako iniiwan, nauubos ko lang.
Emma: "Edi tama ako. Ayaw mo lang talaga silang makita kaya ayaw mong sumama."
"Alam mo naman pala e"
Sabi ko habang nag lalagay ng fruit salad sa platito naming dalawa.
"Kala ko ba ayaw mong mag mukhang bitter?"
Tanong nya na nag pahinto nanaman sa ginagawa ko.
"Mas lalo kang nag mumukhang bitter nyan alam mo ba yun?"
Ako: "AYOKO!!!"
Ano bang gagawin ko? Di naman talaga ako bitter pero ayaw ko kase talagang laging nakikita yung magaling kong ex at yung new gf nya eh.
Eto namang si Emma gusto nyang sumama ako sakanya sa birthday party ng isang naming friend na close friend din ni ex at for sure pupunta sya dun.
***
Ang sabi ko kay Emma ayokong sumama sa party pero heto ako ngayon nasa isang table at hinihintay syang bumalik dahil nag prisinta ang magaling kong bestfriend na sya na daw ang kukuha ng foods namin.
Oo tama kayo nandito kami ngayon sa party ng friend namin. Sa ngayon okay pa naman kase wala si ex or WALA PA?!
5 Minutes....
10 Minutes....
15 Minutes....
=_____=
Wow may dumating na mga asungot. Tss! Kala ko din a sila dadating eh!
"Uwian na ba?"
Biglang tanong ni Emma na nasa tabi ko na pala, di ko kase napansin ang pag tabi nya sakin kase ang alam ko ay umalis muna sya para kumuha pa ULIT ng foods (nabitin daw sya e)