Kevin's POV
"WHAT THE!!"
Bulalas ko ng maka ahon ako mula sa ilalim ng tubig.
At anong ginagawa ko sa ilalim ng tubig? May kung sino lang naman ang nag tulak sakin sa pool, ang lalim pa naman nito.
"Okay na Kevin?"
Tanong ni Ji na syang tumulak sakin.
"Problema mo ba? -_-"
Sabi ko habang humaahon sa pool.
"Dama mo ba lalim ng pool nyo? Alam mo bang mas malalim pa dyan yung iniisip mo."
Naka pamewang nyang sabi.
"Sana sinabi mo na lang hindi yung hinulog mo pa ko diba?"
Reklamo ko pa rin pag lapit sakanya.
"Para DAMA! Sige na mag palit ka na mala-late tayo."
Sabi nya sabay tulak sakin.
"Kung di mo ko tinulak edi sana nakaalis na tayo diba? Kaya bahala ka dyang mag hintay."
Mag uumpisa na sana akong mag lakad ng mag salita sya pero di ko naintindihan.
"Ano yun?"
Tanong ko ng humarap ako sa kanya.
"WALA!! Lumayas ka na nga sa harap ko."
Sabi nya saka nya ko tinulak ulit.
Tinalikuran ko sya at nag umpisa ng mag lakad paakyat ulit ng kwarto ko ng nangingiti. Sira ulo talaga ng isang ito e, lakas ng trip sa buhay.
Jiana's POV
"Sana sinabi mo na lang hindi yung hinulog mo pa ko diba?"
Reklamo nya pag lapit nya sakin.
"Sus parang yun lang e, ako nga matagal ng nahulog."
Sabi ng utak ko.
"Para DAMA! Sige na mag palit ka na mala-late tayo."
Sabi ko sabay tulak sakanya.
"Kung di mo ko tinulak edi sana nakaalis na tayo diba? Kaya bahala ka dyang mag hintay."
Sabi sakin ni Kevs.
Manhid! Tignan mo kase ako Kevs, ang layo na natin sakanila oh, dalawa na lang tayo tapos ang layo pa rin ng tingin mo.
"Tagal ko ng nag hihintay noh!"
Pabulong kong sabi.
Takte, nabigla ako dun ah! Humarap sya sakin kaya bigla akong kinabahan. Gosh, narinig nya?