Chapter 19 Space

42 1 0
                                    

Jiana's POV


Dalawang gabi akong hindi umuwi kela Kevin, gusto kong mag isip ng kung ano ba ang dapat kong gawin.


Gusto kong huminga, paki ramdam ko lagi akong kinakapos ng hangin pag nandun ako.


Gusto ko ng space dahil feeling ko nasa masikip na lugar ako, yung tipong hindi ka na maka galaw na kailangan mong pumunta sa isang lugar na may malawak na space.


"Nakakatawa ka Jiana Mina, nihindi nga nya alam kung ano ang nararamdaman mo pero kung maka hingi ka ng space feeling mo naman girlfriend ka na nakikipag cool off. Feeling mo mapapantayan mo sya. Lech*!"

Sabi ko sa sarili ko na ikinatawa ko.


Langya ang sakit!


Nababaliw ka na, nababaliw ka nanaman sa anong dahilan? Dahil nanaman sa pag-ibig na yan.


Bakit ba ang hilig mong main-love sa maling tao?


Bahagya kong iniuntog ang ulo ko sa ko dito sa bathtub dahil sa mga naiisip ko.


Kanina pa ko nandito, isang oras na naka babad sa bathtub. Dahil sa pag iisip hindi ko na napansin na ang tagal ko na dito sa cr. Kung hindi pa kumatok si Emma kani-kanila lang sabi ko lalabas na ko pero tinatamad pa ko e, ayaw pang kumilos ng katawan ko.


Naka pag disisyon na rin ako, pag uwi ko mamaya aamin na ko kay Kevin, sasabihin ko na yung nararamdaman ko sakanya ang problema kaya ako naiwas at hindi sya.


Pero sa ngayon kailangan ko munang mag ipon ng lakas ng loob. Oh God please help me!


Mga ilang saglit lang ay halos lumabas yung puso sa dibdib ko dahil sa gulat.


"Langya ka, ano ba?"

Inis kong tanong kay Emma.


"Kanina ka pa dito. Sorry pero kailangan ko ng buksan yung pinto ng cr KO baka kase nag kalat ka na ng dugo dito galing sa pulso mo."

Naka pamewang nyang sabi.


"GAGA!!"

Bulyaw ko sabay hagis ng sabon na nakuha ko.

"Lumabas ka na mag babanlaw na ko."


Kevin's POV


Habang kumakain ako ng almusal at nag iisip na rin kung pano ko maco-corner si Ji para kausapin ng biglang tumunog ang phone ko, kaya kinuha koi to at binasa.


"Attention GorSome and 4kits!!!!!

Party tomorrow sa bahay ko!

Time: 3PM

Walang hindi pupunta ah!

HOY!! MR. KEVIN CARLOS CLAMENTE!!!!! PUMUNTA KA AH!

Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon