Special Chapter part 2

33 1 0
                                    


Jordan's POV


ANG BORINGGGGGGGGGG!!!!!! =____=


Two weeks na kong nandito sa Australia at isa lang ang masasabi ko "BORINNNNNGGGGG" Tss!


Buti pa si Kevs kasama si babe. Sila Xian at Gian syempre mag kasama din so kahit papano hindi sila mabo-boring. E ako? Loner, walang kasama, solo, walang kausap. Di ko yata kayang tumira dito hangang maka tapos ako ah. Gusto kong bumalik pero ayokong payagan nila mom, takte pag tinatanong o sinusubukan ko palang sasagutin na ko agad ng "MASASANAY KA DIN" Psh! -_-


Dahil sa pag kaboring na nararamdaman ko ay tumayo ako sa hinihigaan ko at nag palit ng damit. Pupunta na lang ako sa bar para naman kahit papano ay mabawasan ang pag kabored ko.


~~~


9:30 PM Nang maka rating ako sa bar, ngayon 11PM na mahigit isang oras na kong nandito pero wala e, ganun pa rin B-O-R-E-D pa rin ako. Iba talaga pag kasama ang barkada, pag kasama mo sila hindi mo mapapansin ang oras, hindi mo mapapansin kung nakaka ilang oras ka na nasa bar, di tulad ngayon -_-


Isa lang naman ang hindi nag bago e at yun ay pagiging lapitin ko sa chix. Gwapo e kaya ito panay nanaman ang lapit nila. Tss! Pero kahit na panay ang lapit nila ay hindi ko sila pinapansin. Wala akong sa mood maki pag flirt e.


Habang umiinom ako ay nakuha ng isang babae na nasa kabilang sulok ang attention ko. Naka yuko sya pero halata na parang umiiyak sya, humihikbi kase sya. Tumayo ako sa upuan ko at nilapitan sya. Tama nga umiiyak nga sya.


"Ms. are you ok?"

Tanong ko kaya iniangat nya ang ulo nya.


Nang mag tama ang mga mata namin ay parehas kaming nagulat sa isa't isa.


"Ikaw?"

Tanong nung babae.

"Ikaw yu----"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya ng pigilan ko sya.


Sya yung babae sa airport, yung tinulungan ko tapos kung anu-ano na ang pinag sasasabi sakin. Naman e, bakit sa dami dami ng pwedeng makita e sya pa? -_-


"Hep!! Wag mong ituloy yung sasabihin mo baka kung ano nanaman yan. Aalis na ko."

Sabi ko saka ako tumalikod.


"Wait lang!"

Pigil nya sakin.

"Sorry na!"

Dugtong nya after kong tumingin sakanya.

"Napa kawalanghiya kaseng lalaking yun e."

Dugtong ulit nya saka sya ulit sumobsob sa table.


"Mas madali at mas maganda daw mag kwento or mag labas ng sama ng loob sa taong hindi mo kilala."

Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon