Anne's POV
"Isang nakaw na tingin.
Tinitignan ka ngunit ang iyong mga mata ay sa iba naka tuon.
Ngiti at tawang kay sarap pag masdan at pakinggan.
Ngiti at tawang hindi ako ang dahilan.
Bakit hindi pwede?
Bakit sya?
Bakit hindi ako?
At bakit ikaw pa?
Bakit ang hirap pigilan ng pusong hindi tumingin sayo?
Bakit hindi sapat para maging ako?
Laging kulang kahit ibigay mo na ang lahat.
Hanggang dito lang ba?
Hindi ba pwedeng subukan?
Narito ako handang maging dahilan ng ngiti at tawa mo.
Ang hirap, ang hirap hirap bumitiw sa bagay na wala kang kapit.
Mga tanong na hindi masagot.
Hindi nga ba masagot?
O hindi mo lang naiintindihan ang sagot na nasa iyong harapan dahil iba ang iyong gustong paniwalaan?
Puso't isip na hindi mag kasundo.
Pusong humihiling ng isang sulyap mo.
Kahit isang saglit lang.
Sulyap para sa bilang ako na nag mamahal sayo.
At isip na nag sasabing tama na masasaktan ka lang dahil alam mong...
... Hindi Ikaw.""At bakit naisipan mong mag sulat ng ganyan Cha? Kala ko nag d-drawing ka e nag susulat ka pala."
Biglang tanong ni Pau.
"Broken lang peg best?"
Tanong din ni Kari pag lapag nya ng tray ng meryenda namin.
Si Pau nandun busy sa anak nya, ako naman tahimik lang na nakikinig sakanila. Ganun na rin si Meg na wala pa rin sa sarili, hanggang ngayon di pa din nahahanap asawa nya e.
Kaming girls lang ang nandito kasama ang mga anak nila Pau at Cha, ang boys naman ang bahala sa pag hahanap kay Jojo at kasama na dun ang 4Kits.
Nag tataka din ako dito kay Cha, anong meron sakanya at ganito sya? Di naman sya ganyan e, di din sya mahilig sa poems."May ginawa ba si Jed sayo? Sabihin mo lang, resbakan namin yan."
Sabi ni Pau habang busy sa mga batang nag lalaro.
Kari: "Maka resbak Pau parang walang mga bata ah."
Pau: "Haha sorry naman. Pero di nga Cha broken?"
"Hindi... Hindi ako."
Sagot ni Cha habang nakatingin pa rin sa sinulat nya at pinag lalaruan ang lapis na hawak nya."Ha? Sino?"
Taka at gulat na tanong ni Kari.
"Ok naman kami ni Troy. Si Meg missing asawa pero di bagay sa situation nya ang sinusulat mo. Si Pau at Pat ok naman din."
Isa isang turo ni Kari dun sa kanila nang mapunta sya direksyon ko.
"Si ano na-man..."
Putol na sabi ni Kari na naka turo sakin."Anne?"
Sabay sabay na sabi nina Kari at Pau.
"Broken ka?"
Dugtong nila.
"Grabe kayo sakin."
Nasabi ko na lang.
"Kelan pa?"
Tanong ni Cha.
Ako: "Ano?"
"Mahal mo na sya diba?"
Seryosong tanong ni Cha na ngayon ay naka tingin na sakin.
"Kelan pa?"Ako: "Kilala mo nga ako. Sa totoo lang di ko din alam e, bigla na lang."
Cha: "Anne bakit sya?"
Ako: "Anong bakit sya? Bakit, tingin mo ba ginusto ko na sya?"
Cha: "Di naman sa ganun Anne, iniisip ko lang ang barkada at lalo ka na. Parehas nating alam na iba ang nasa puso nya."
"Wait lang ah, sino ba pinag uusapan nyo?"
Singit ni Kari sa usapan na halatang naguguluhan.
"Oo nga sino ba yan?"
Tanong ni Pau na lumapit na samin at iniwan ang mga bata sa yaya nito.
"Kase hanggang ngayon ikaw pa rin."
Sabi ko habang nakatingin sakanya ng seryoso.
"Iba na ang nasa puso nya Anne."
Sabi nya ng naka tingin din sakin. Parehas na kaming naka tayo ngayon at naka harap sa isa't isa.
"Hindi na ako at ramdam ko yun.""Si..."
Pabulong na sabi ni Pau at Kari.
"Ikaw pa rin Cha."
Sabi ng utak ko.
"Masakit ba na hindi na ikaw Cha kung sakali mang tama ka?""Magiging masaya ako kung sakaling di na ako, dahil alam ko sawakas magiging masaya na sya sa piling ng iba. Deserve nya yun e at deserve mo din, kaya hinihiling ko na sana hindi man kay Zec, sana may taong dumating para sayo na mamahalin mo na kayang ibalik sayo yung pag mamahal na kaya mong ibigay. Karapatan mong mag mahal at mahalin pabalik Anne at hindi mo yun makukuha sa taong nasa iba ang tingin."
"Cha nahulog na ko e. Di ko na napigilan mahulog sa taong may ibang mahal. Mahal ko na sya."
Sabi ko saka ako napa yuko.
"Mahal ko na ang nag iisang Kevin Carlos Clamente."
Dugtong ko.Ilang saglit lang ay naramdaman kong may isang yumakap sakin hanggang sa dumami na sila.
Totoo naman e, sino ba ang taong nakayang kontrolin kung kanino sila mag mamahal? Kahit naman mali o tama, gusto mo man o hindi di mo pa rin naman mapipigilan diba? Kase kung pwede lang ituro sa puso kung sino ang dapat nyang mahalin sana walang "One sided love" o "Kabit" o "Forbidden love" tayong matatawag. Wala ding pag mamahal na kailangang itago dahil sa tingin ng iba ay mali.
Siguro nga maling mag mahal ng taong may mahal na iba pero anong magagawa kung ito ang nararamdaman ng taong may pusong pasaway na tulad ko? Tang* ng puso ko e, sa dami ng pwedeng mahalin sa isang Kevin Carlos Clamente na isa ding tang* ang puso dahil yung mahal nya ay may mahal ding iba.