Chapter 16 Pictures

39 1 0
                                    

Kevin's POV


Ang aga aga hindi ko alam kung bakit HB ang babaeng yun, pero nakakatuwa kase talagang pag tripan ang babaeng yun e. Akalain nyo yun isang taon na rin pala kaming mag kasama ng babaeng matakaw na yun? Ako talaga ay nag tataka kung bakit inabot na ng isang taon ang hindi nila pag uwi, nananadya ba sila o talagang busy lang?


Tss bahala na nga sila tutal sanay na naman ako sa setup namin e, sanay na rin akong araw araw kaming ganito ni Ji, panigurado maninibago ako pag dumating yung araw na uuwi na sya sakanila at maiiwan nanaman akong mag isa.


Sana lang pag dumating ang oras na yun mag paalam sya, as in paalam talaga ah hindi yung pahiwatig tulad ng ginawa "nya" Malay nyo diba isang araw magulat na lang ako pag uwi ko wala na yung mga gamit ni Ji naka uwi na pala sya sa kanila. Oo nga noh? 'Bat ngayon ko lang naisip yun? Sasabihan ko sya mamaya na kung sakaling uuwi na sya mag paalam muna sya.


Naputol ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko na sana bulsa ko kaya kinuha ko ito agad at binasa ang text.


"Buset Clamente papagurin mo nanaman ako sa pag bura ng pics na kinunan mo."

Haha, text yan sakin ni Anne.


Isa pa din itong babaeng ito e ang sarap asarin, at ang pang asar ko sakanya? Gagamitin ko cellphone nya pang picture ng kung anu-ano at syempre ng sarili ko habang nasa cr sya tas tamang tama na maiiwan nya yung cell nya sa table namin, madalas kaseng tumambay yun sa bar namin lalo na pag badtrip sya. Tapos gagawin ko pang wallpaper sa cell nya picture ko. Pasaway din na babae, ewan ko dun kung bakit di man lang sumasagi sa isip nya ang salitang "PASSWORD" Haha


"Ayaw mo nun ang gwapo ng bubungad sayo? ;) btw, good morning."

Reply ko.


"Good morning ka dyan! Anong kinaganda ng morning kung yung buset ang makikita ko? ABER!!!!"

Reply nya.


Ako: "Maganda ang umaga kung maganda ang bubungad sayo e magandang lalaki ako kaya good morning sayo."


"Hindi ka magandang lalaki or pogi or gwapo. PANGET KA!! Bahala ka na sa buhay mo. Wag ka ng mag txt maliligo at kakain pa ko ayokong malate sa office."

Sabi nya naikinatawa ko.


"Ingat ;)"

Reply ko pa din.


"Ay buset talaga kakasabi ko lang na wag ng mag txt e >_<"

Haha, yan ang huli nyang text hindi ko na nireplyan baka kumulo ng husto ang dugo e.


Akalain mo nga din naman noh, sinong mag sasabing mag kakasundo din kami ng babaeng ito? Babaeng parang laging may kaaway, kung tatanungin nyo ko kung papano hindi ko din alam e. Basta nagulat na lang ako ng marealized ko na ganun na rin pala kami kaclose yung tipong para ko na rin syang best friend.


Ang gwapo ko talaga noh? Hindi pumapalya ang pagiging chix magnet ko. Haha.


Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon