Jiana's POV
"Wag kang mag pupuyat, matulog ng maaga. Wag ka ding mag papalipas ng gutom, lagi kang kakain sa tamang oras. Umuwi ka ng maaga, wag na wag kang mag papagabi lalo kung mag isa ka lang. Aalis muna ako di ko alam kung kelan ako makakabalik kaya alagaan mong mabuti sarili mo. Ibinilin kita dun sa tatlong tukmol, kahit mga sira ang ulo ng mga yun napag bibilinan naman yun e haha.
PS: Nag handa pala ako ng breakfast mo, sorry di na kita nagising ah. Kainin mo yan at ubusin."
-Gwapong KCC
Yan ang nadatnan ko pag gising ko, sulat at breakfast na naka patong sa side table ko 4 days ago. Yeah tama ang basa nyo, 4 days ago. Bale apat na araw na syang wala. Bakit kaya bigla syang umalis? Hays.
Nga pala, nandito ako ngayon kela Megan actually KAMI ang nandito. Naaawa na ko dito kay Megan, noong ako nga kay Kevs grabe na ang pag aalala ko ano pa kaya yung kanya para sa asawa nya diba?
"San nag punta si Kevin?"
Tanong naman ni Patrick.
"Malay namin, sa text lang nag sabing aalis sya e tapos ng tawagan namin di na makontak."
Sagot naman ni Xian.
"Dikit kase ng dikit kay babes e yan tuloy nahawa. Bigla biglang nawawala."
Pabirong sabi ni Jordan.
"Si Jojo din nahawa kay Angel."
Sabi ni xigian sabay peace sign kay Cha.
"Oo na kasalanan ko na kung bakit nawala si Jojo. Aminado naman ako."
Sabi ni Cha sabay siningkitan ng mata yung dalawa.
"Si Kevz naman yaan nyo munang mag isa ng maka pag isip ng malinawan.""Malinawan saan?"
Takang tanong ni Xian.
Pati ako e naguluhan. Malinawan saan? May problema kaya si Kevin kaya sya umalis?
Cha: "Wala!"
Xigian: "Edi kayo na, kayo talaga nag kakaintindihan e."
Jordan: "Oo nga, bakit hindi kayo ang nag katuluyan?"
"Kase sakin lang ang asawa ko."
Sabi ni Jed saka sinamaan ng tingin si Jordan.Xian: "Parang narinig ko na yun?"
Kari: "Kumpletuhin mo kase Jed. Walang sayo Kevin, akin lang ang asawa ko pak!"
"Wow galing. Hi Monica pwedeng papicture?"
Manghang sabi ni Pau.
"The legal wife to the legal husband."
Dugtong nya."Tapos sabihin ni Kevin sa kalagitnaan ng suntukan na buntis ako Jed... Buntis ako! Hahahahahaha!"
Sabi ni Pat.