Epilogue

92 3 2
                                    

Jiana's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, nag iimpake. Bibisitahin ko muna sila mama sa states at bukas na ng umaga ang alis ko. Pinag isipan kong mabuti ang sinabi ni Emma nung isang araw sa mall, siguro nga tama sya. Kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko lalo na ang puso ko. Bakit ba naman kase ang sakit mag mahal?


Mamaya it-text ko si Kevin na aalis ako kahit na alam kong hindi sya mag rereply. Syempre diba iniwan nya ako dito sa bahay nya tapos baka bigla syang umuwi tapos wala ako, kahiya naman.


"JIANA!!!"
Rinig kong sigaw ni Jordan sabay pasok sa pinto ng kwarto ko.
"Halika na may emergency tayo."
Sabi nya sabay hatak sakin.


"Ha? Bakit? Anong nangyari? San tayo pupunta?"
Taranta at sunod sunod kong tanong.
Di ako mapakali habang nasa sasakyan. Kinakabahan ako, di ko alam kung san kami pupunta at kung ano ang nangyayari. Kanina tinatanong ko si Jordan kung ano yung emergency pero sabi nya wag ko muna syang tanungin kase lalo syang natataranta nag d-drive pa naman sya. Baka kami pa ang maemergency kaya tumahimik na lang ako.


"Sh*t!" 
Rinig kong bulalas ni Jordan kaya napatingin ako sakanya.
"May naiwan ako sa sasakyan, pumasok ka na dun sa kwarto bilisan mo babalik ako agad." 
Aligaga nyang sabi sabay takbo.


Dahil sa pag iisip ko di ko namalayan na nag lalakad na pala kami kung saan. Ano bang lugar ito? San kaya ito hindi familiar sakin ang place. Dahil sa kaba ko nanginginig ako habang binubuksan ko ang pinto. Langya parang gusto kong umiyak sa kaba.

Dahan dahan ko ito binuksan, madilim sa loob. Tama na 'tong tinuro ni Jordan na pinto? Di ba sya nag kamali dahil sa pag kataranta? Mukhang wala namang tao dito e.


Napag desisyonan kong isara ulit yung pinto ng biglang may umilaw sa may paa ko, pag tingin ko may maliit na teddy bear doon at sa harap nun ay may maliit na ilaw. Tapos nun may umilaw ulit at nailawan noon ang isa pang teddy bear na mas malaki ng konti dun sa nauna. 


Humakbang ako ng dalawang beses papasok at kasabay nung ang pag bukas nanaman ng ilaw at tulad ng pangalawa mas malaki ito kesa sa sunundan nyang bear. Napatingin ako sa kabilang side ko meron ding bear doon. Tulad nung sa kabilang side maliit muna tapos palaki ng palaki. Nag patuloy ako sa pag hakbang at ganun din ang pag bukas ng malilit na ilaw at pag litaw ng iba't ibang klase ng teddy bear hanggang maka rating ako sa gitna.


Dun sa gitna sa dulo ang may pinaka malaking teddy bear, mas malaki pa saakin ang bear na ito. At may nakakandong sakanya na mga bulaklak

(A.N: Guys ganito po yung setup para di kayo maguluhan.

        ----- teddy bear----
        ------- Lights -----
Door  -------- Way ------   Big bear
        ----- teddy bear----
        ------- Lights -----)


"Ang cute mo, pwedeng akin ka na lang? Ikaw na lang kaya ang kama ko, may kama na ko tapos may kayakap pa ko kung nag kataon. Kaso pano kita iuuwi?"

Sabi ko habang hawak ko ng isang kamay ko ang kamay nito at ang isa kong kamay ay hawak ang inaamoy amoy kong bulaklak.


Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon