Kevin' POV
"Tol, san ka na?"
Tanong sakin ni Jordan.
Ako: "Papunta na ko, hinatid ko lang si Ji. Mag kita na lang tayo dun."
"Ah sige, kita kits."
Sabi ni Jordan saka nya pinutol ang tawag.
Nag d-drive ako ngayon papunta kela Cha, kakadating lang namin ni Ji galing US.
Akala ko di ganun katagal pag istay namin dun, taon din ang nag daan. Ganun pa man dalawang buwan nung umalis kami ay bumalik din kami agad para sa kasal ni my love and then bumalik din kami ng US after.
At ngayon papunta na nga ako sa bahay nila my love, may meeting ata. Kanina kase sa airport naka tanggap ako ng txt mula sa tatlo pupunta daw sila dun kase may biglaang meeting. Sabi ko susunod ako, nagulat pa nga sila e kase di nila alam na uuwi kami ni Ji ngayon. Yun nga lang, hindi sya makakasama ngayon kase may mga nauna na syang na set na schedules, kaya ayun inihatid ko na lang muna.
Pag dating ko ay nandun na sila at busy sa pag uusap sila Jojo at my love kaya pasimple akong dumaan patago dun sa iba at sumenyas na wag maingay dun sa mga naka kita sakin.
"Langya, kailangan talaga may "eksakto" pa Cha?"
Tanong ni Jojo kaya napataas ang kilay ni my love.
"Pano kung nasa kama kami at nag s-s.. maka batok Kevin."
Agad nya reklamo ng batukan ko sya.
Langya 'to e, kung ano ano pinag sasasabi.
"Sira ulo nito dudumihan pa isip ni my love ko."
Sabi ko ng malagpasan ko sya.
"Hi my love!"
Bati ko kay my love matapos ko syang ikiss sa pisnge.
"Hoy Clamente baka nakaka limutan mo na sa GorSome sila ni Jed ang unang gumawa nun kaya nga may baby Cha agad diba? Kaya matagal ng madumi utak nyan."
Sabi ni Jo kaya pinanlisikan sya ng mata ni my love. At si Jed? Ready na sa pag sugod.
Ako: "Wait lang kunin ko yung sako."
Jordan: "Itong mga 'to parang wala pa ring mga asawa para pa ring bata."
"Nag salita ang hindi bata."
Sabi ng girlfriend nyang si Jorcell.
Twins: "Boom!!! Basag!!"
"Mahal mo ko diba? Wala namang laglagan."
Reklamo ni Jordan sa girlfriend nya habang hinihimas ang batok nya.
Jorcell: "Ay sorry sorry ^__^v"