Chapter 17 Can I kiss you?

40 1 0
                                    

Zec's POV


"Oh tol nandito ka pala?"

Sabi ni Jed na maka pasok sya dito sa loob ng opisina nya.


Dumaan sya sa likod saka nya ko tinapik sa balikat bago umupo.


"Ayaw mo ba tol? Di mo ba ko na miss?"

Pag bibiro ko.


"Sira ulo! Kala ko ba may date kayo?"

Tanong nya nang maka upo sya.


"Busy tol."

Simple kong sagot.


Jed: "Bakit kase di pa kayo mag kabalikan tol?"


Ako: "Pano mag kakabalikan tol? Iba na tinitignan nya."


Jed: "Pano mo naman nasabi?"


Ako: "Di na nya ako tinitignan ng kung pano nya ko tignan noon. At yung tingin nyang yun, sa iba na naka laan. At kitang kita ko yun."


Jed: "Mahirap yan tol. Pero bakit hindi mo subukang ibalik ulit yung dati nyang pag tingin?"


"Sinusubukan ko naman e."

Sabi ko saka ako sumandal sa kinauupuan ko.

"Kaso mailap e. Sabihin mo nga tol, pano mo nakakayang wala sya? Kung mahirap sitwasyon ko paniguradong mas mahirap yung sayo."

Dugtong ko kaya napa sandal din sya sa kinauupuan nya.


Alam ko hindi nya inaasahan na itatanong ko yun, pero wala e. Alam kong sya lang makakaintindi sakin.


"Sa totoo lang tol, hindi ko din alam e. Di ko alam kung bakit paulit ulit nya kong iniiwan."

Halata sa tono nya ang halong lungkot at sama ng loob.


Nabalot ng katahimikan ang opisina ni Jed ng ilang minuto hanggang basagin ng tunog ng cellphone ko ang katahimikang nabuo.


"Sunduin mo ko."

Baduy man pero aaminin kong biglang nag wala ang puso ko ng mabasa yung txt "NYA"

"Nag papasundo na si Anne tol."

Sabi ko saka ko binaling ulit ang tingin kay Jed.


"Sige na sunduin mo na bago pa mag bago ang isip, alam mo naman yan."

Sabi ni Jed kaya medyo natawa ako.


"Sige. Una na ko."

Sabi ko saka nag madaling umalis.


Jiana's POV


Tatlong linggo... Tatlong linggo na simula ng mga pasimple kong pag iwas kay Kevin, hindi ko alam kung bakit pero sa pag iwas ko parang lalo lang tumitindi yung nararamdaman ko para sakanya.

Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon