[ Tessa Dardenne ]
Having a child is a huge responsibility, and having two is a burden to bear. I came from the blood of the Aldeguers, a prominent family in our province. My father was an Egyptian. I had five more siblings; three of them died when I was young, and the rest have had their own lives.
Hindi ako laki sa nanay. Daddy ko ang madalas kong kasama, kaya rin siguro hirap na hirap akong palakihin ang mga anak ko kasi hindi malambing ang pagpapalaki sa akin ng ama ko.
Pero malambing naman ang daddy nila, personal pick, hindi ko na kailangang mag-adjust. Basic problems require basic solutions. Problem solved.
My baby boy Rico is the ghost of my own demon, haunting me every time he wants to annoy me, and Sabrina, my dear, is the fear formed within my unconsciousness that wants to kill herself once laziness gives her a chance. And these two kids are getting on my nerves every second of my goddamn life!
Ang hirap maging nanay sa mga batang gusto ko na lang ikadena sa mga kuwarto nila.
But I love my kids. I loved them enough para malaman kung ano ang makabubuti para sa kanilang dalawa.
My parenting skills are little to nonexistent, but I'm still working on them kahit pa ang tatanda na ng mga anak kong puwede nang magsipag-asawa.
And speaking of pag-aasawa, thirty years old na ang panganay kong wala man lang madala-dalang babae sa bahay para ipakilala sa 'min. Sabi niya, he's dating, pero wala akong ibang mabalitaan kundi iniwan daw siya ng ka-date niya, nilayasan sa venue, hindi na siya gustong makita—and all those bullshits na halatang hindi niya sineseryoso!
"You think I'm playing with you, hmm?" I asked him, and all he did was massage his temple and cringe.
Nasa Cebu kami kasi nga, ang sabi niya, may ipinagagawa raw siya. Naka-stay kami sa mansiyon ng lola niya. Nakararanas siya ngayon ng buhay-probinsiya paminsan-minsan. At may nawawalang 80 million pesos sa account niya na hindi ko alam kung saan niya dinala.
"Mum, nagpapagawa nga ako ng café, di ba?"
"Nagpaalam ka ba sa 'min ng daddy mo para diyan sa café na 'yan? Ang akala ko ba, mini mart. Bakit naging café?"
"Last minute change of plan!"
"Bakit ka nga nag-change ng plan!" Dinabugan ko ng palad ang mesa habang nanggigigil na sinisigawan siya.
"Because I like a café more than a mart?"
My eyes narrowed at him because this annoying brat was lying in front of me. "Where . . . did you take . . . your money, Ronerico Dardenne?"
"Mum!" he yelled. "That's my money kaya!"
"That's your money tapos kung saan-saan mo lang ginagastos!" Ibinato ko sa kanya ang table napkin na nasa kandungan ko at pinagdabugan na naman ang mesa. "I need your consolidated expenses na mako-cover ang 80 million na nawawala sa account mo."
"Nagastos ko na nga!"
"Nagastos mo saan? Resibo, kailangan ko ng resibo."
"Sakit ka sa ulo, Mum."
Hinabol ko agad siya ng palo. "At ako pa ang sakit sa ulo!"
Mabilis siyang tumayo, hawak ang braso niya. "Isusumbong talaga kita kay Daddy."
"Magsama pa kayo ng daddy mo! Pagbuhulin ko pa kayong dalawa!"
I was glaring at Ronerico as he walked out from the balcony where we were.
BINABASA MO ANG
AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)
Genç Kız EdebiyatıAlabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a multi-million-peso agreement is something she will consider when it comes to business. When Rico Dard...
