Special Chapter 3

730 28 0
                                        


I felt how hard that decision was for Rico when he admitted that.

Those promises he made, I knew he didn't say that just because I wanted to have a temporary assurance. He said that because that was his plan, and he would do that once we were there.

But everything felt so lost when those promises became vague and unsure.

"Nasaan ang asawa mo?" bungad ni Mum pagtapak ko sa mansiyon.

"Hinahanap ko rin siya, Mum."

Two days nang nagpapaalam si Rico na may pupuntahan. Cleared ang calendar, walang kahit anong naka-schedule na appointment, at ang nakalagay lang na notification sa tracker niya, nandoon siya sa office nina Leopold.

"Ano'ng sinabi niya sa 'yo?" usisa ni Mum nang maupo kami sa garden kung saan siya lagi nakaupo.

"Doon lang daw siya kina Clark."

"Whole day?"

"Hindi gumagalaw ang locator niya whole day kapag nasa labas siya."

Numinipis ang tingin ni Mum sa kung saan, iniisip yata ang dahilan din ng init ng ulo ko ngayon.

"May ginagawang kalokohan 'yang batang 'yan ngayon. Kung ano-anong document ang nakakarating ngayon sa opisina ko."

"Confidential ba, Mum?" tanong ko agad.

"It should be!" matigas na sagot niya. "Pero kung sino-sino ang nagde-deliver n'on sa akin. Ano'ng ginagawa niya sa buhay niya ngayon? May kaaway ba siya? Sino na namang nakapustahan niya't may ganitong lumalabas na mga record sa kanya?"

Mum was complaining about Rico's hidden bank account na ipinadala pa kay Mum ang bank statement. I checked the whole document, wala akong makitang mali. But Mum's point was that the account should be hidden. Pero natanggap daw 'yon ni Mum sa isang anonymous sender.

Kahit din siguro ako, kakabahan kapag may nagpadala ng record ng hidden account ko sa kahit na sino. That was private. Tinawagan na raw ni Mum si Kuya Tony para ipa-trace kung kanino galing ang document.

Nararamdaman kong nate-tense si Mum. Kahit ang tsaa niya, hindi siya mapakalma. Palakad-lakad lang siya sa gilid ng pool, babalikan ang phone niya at titingnan o kaya tatawagan ulit si Kuya Tony, tapos babalik na naman sa gilid ng pool.

"Ayoko ng ganitong may umaaligid sa mga anak ko nang hindi ko alam," naiinis na sabi niya nang balikan na naman ang phone na hindi nga umilaw kahit isang segundo. "Una, si Clark. Ngayon, si Ronerico. Sino'ng susunod? Si Calvin?"

Kinakabahan ako kapag ganitong nagne-name drop na si Mum.

Madalas sa madalas kasi, kapag may sinasabi siya, hindi 'yon nagkakamali. At 'yon ang ayaw ko. Kasi parang alam na niya beforehand, ayaw lang niyang sabihin.

Dumating si Rico at that night at nagkasagutan sila ni Mum tungkol sa records na 'yon. Ayaw sabihin ni Rico ang totoo, kahit pa alam na ni Mum ang laman ng records na 'yon. Gusto niyang maging honest ang anak niya, pero nakipagmatigasan ang asawa ko.

Pag-uwi sa bahay, ako na ang kumompronta kay Rico.

"Ano ang records na 'yon?" tanong ko pagkakrus ng mga braso.

Naupo lang si Rico sa sofa at naghimas ng noo. "Joint account namin 'yon ni Clark pero buong barkada ang naglalagay ng laman n'on."

"At galing sa ilegal ang laman?"

Hindi siya agad nakasagot kaya lalo akong nadismaya. Nanghihina ako nang maupo sa katapat niyang sofa at saka siya tinitigan nang maigi.

"Ilegal nga," paninigurado ko.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon