Special Chapter 5

1.3K 35 5
                                        



My father, a single parent, raised me. Hindi ko kahit kailan nakatampuhan ang daddy ko noong nabubuhay pa siya. So I had no idea how to fix Rico and Mum's issue para lang matahimik din ang damdamin ko.

Si Daddy lang ang nakausap ko nang maayos sa mansiyon sa mga oras na 'yon.

"This is not easy for Tessa," paliwanag ni Daddy. "Things got out of hand. We didn't expect what happened to Clark, and we have to know the truth behind that accident. Kailangan pa munang mag-adjust ng lahat. I am really sorry we have to be in this situation right now, pero sana maintindihan mo rin ang nangyayari, hija."

Inintindi ko.

Iniintindi ko.

Umuwi ako sa bahay namin ni Rico, naabutan ko siyang gising na pero nandoon lang siya sa sala at nakahiga sa sofa.

Inaasahan kong magtatanong siya kung saan ako galing, pero wala siyang sinabing kahit na ano tungkol sa pag-alis ko.

Naupo ako sa single sofa na katapat ng puwesto niya at saka ako nagbuntonghininga habang nakatitig sa kanya.

"Dito na muna ako uuwi ulit," balita ko, gaya ng utos sa akin ni Mum.

Mula kaninang pagdating ko sa mansiyon, hindi ko narinig sa mga magulang ni Rico na tawagin siyang "anak ko" kundi "asawa mo." Hindi ko na rin sigurado kung itinakwil na ba siya nina Mum kaya hindi na nila matawag na anak ang asawa ko.

"Dadalawin mo ba si Clark sa ospital?" tanong ko na lang dahil hindi siya sumagot sa una kong sinabi. Balak ko rin siyang samahan kung oo ang sagot niya.

Sandali kaming natahimik bago siya nagbuka ng bibig.

"When we were in our freshman year, lagi kaming sinasabihan na maging careful sa pagkausap kay Clark. Huwag siyang sisigawan kasi maa- agitate. Huwag siyang gagalitin kasi baka kung ano'ng gawin. Isumbong agad namin kapag may nambu-bully sa kanya . . ."

Nanginginig na naman ang labi ko, nag-aambang umiyak habang nakikinig sa kuwento niya.

"He's a people-pleaser. Gusto niya, friend niya lahat. Ayaw niya ng may kagalit siya. Kahit 'yong mga hindi naman deserve maging friend, gusto niya, friend din niya."

Nangingilid ang luha ko habang nakikita kong tuloy-tuloy lang ang agos ng luha ni Rico sa gilid ng mata habang nakatitig siya sa kisame ng sala namin.

"Yung time na naospital siya because of Sab . . ." Saglit siyang huminto para lang magpigil ng luha. "I took all the blame . . . for not helping him. For putting him in that situation na nag-aagaw-buhay siya. And Mum would always remind me na bantayan lagi si Clark. Kapag may ginagawa siyang mali, dapat pigilan ko. Kung delikado ang sitwasyon, ialis ko siya roon. Kapag may delikadong tao siyang kinakausap, ipaiwas agad namin siya. I took that responsibility for half of my life . . . and I only had one job . . . but I failed on doing that last night."

We were both crying again, but for different reasons. Naalala ko ang sinabi ni Mel.

"Si Mr. Dardenne, alam mo namang parang kuya na 'yan nina Patrick. . . . Kung ano man ang ginagawa nila ngayon, it's for your safety, it's for his family's safety, kaya rin hindi nila magawang manghingi ng tulong."

Accident ang nangyari kay Clark. Pero may kinalaman ba ang nangyari sa sinasabi ni Melanie tungkol sa ginagawa ng asawa ko buong March?

Natapos ang buong araw na 'yon na pagod kaming dalawa ni Rico. Sinubukan naming kumilos gaya ng nakasanayan pero nauubos ang oras namin sa pag-iyak at pagdamay sa isa't isa.

AGS 1: The Love Investment (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon