Nagising na lang ako nung may biglang tumulak sakin sa kama. Oww ha >___<
"Gising ka na?" kahit di ko tignan kung sino ang nanulak sakin, alam ko na kung sino yun
"Nakakainis ka talaga kuyaaaaaaaa...!!!!" binato ko sya ng unan pero nakailag lang sya. Grrr! Alam naman nyang ayoko talagang ginigising eh >___
"Bumangon ka na nga, tanghali na" sya naman ang nambato sakin ng unan tas tumama sa mukha ko. Buti na lang talaga at Sabado ngayon kaya walang pasok. Pero kahit na may pasok ngayon di ko pa rin feel pumunta ng school matapos yung nakakahiyang pangyayari sa buhay ko
At boom!! Naalala ko na naman. Aaaaahhhhhhhh!!! Nakakahiya talaga...!!! Ano bang ponsyo pilato ang sumapi sa sakin at nagawa ko yun?!
Sinampal-sampal ko ang sarili ko sa sobrang inis. Ayan kasi Yanna, alam mo namang nawawalan ka ng kontrol sa sarili mo pag nalalasing ka eh. Kasalanan mo yan. Tss
"Nababaliw ka na ba?" epal ng magaling kong kuya. Nakalimutan kong andito pa pala sya
"Umalis ka na nga. Susunod na ako mamaya" umalis din naman sa wakas
He's Rafael F. Romero, my one and only beloved big brother (yaks xD). Ubod sya ng sungit sa ibang babae, except me of course. Halos same kami ng ugali -- moody, masungit at mainitin ang ulo. Like brother, like sister talaga ^_^
Bumaba na ako at sinamahan ang kuya kong naka de quatro sa sala -___-
"Well your highness, ang ganda naman ata ng position mo jan"
"Naman! Hoy muchacha magluto ka na nga dun" aba inuutusan pa ako ha
"Ang ganda naman masyado ng muchacha mo"
"Syempre gwapo ang amo eh"
Oh dba, ang hangin namin pareho -__-
"May pagkain na dun sa kusina. Kumain ka na" wala kasi ang parents ko. Ewan ko kung saang bansa na naman sila ngayon
"Ok"
"Ileana" paalis na ako nung tinawag nya ako. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Aside sa tinawag nya ako sa complete first name ko (which is ginagawa lang nya kpag nagagalit sya), napaka cold din ng boses nya
"B-bakit kuya?"
"Why are you drunk last night?" patay! Di nga pala ako nakapag paalam sa kanya kagabi
"C-celebration lang kuya kasi mataas yung score ko sa quiz sa math" I was expecting na hihinahon na sya dahil sa score ko
"By getting drunk in a bar?"
"Kuya hindi naman sa ganon--"
"Tapos nag pass-out ka pa sa bar kaya kinailangan kang ihatid pauwi. Hindi ka na nga nagpasalamat, sinukahan mo pa" wait wait, so hinatid pala ako dito kagabi kaya ako nakauwi?
"Sinong naghatid sakin dito?"
"Someone named Jhino"
Then I remember it all. Nagising ako pagkauwi ko ng bahay, sinukahan ko sya, tinaboy-taboy at sinipa yung . . . ano nya. Ghad!! Sobra-sobrang kahihiyan naman ata ang ginawa ko sa isang gabi lang >___<
"You better apologize to that guy" so yun pala ang ikinagalit ni kuya. Siguro naiimagine nya na pa'no kaya kung ibang babae ang makakagawa nun sa kanya
"I will big bro" tumakbo na ako sa taas at nagbihis
"Kumain ka muna!" sigaw niya mula sa kusina
"Sa mall na lang" sigaw ko pabalik. Kahit dalawa lang kami di parin tahimik ang bahay
***
Kanina pa ako lakad ng lakad dito. Naghahanap ako ng peace offering para kay Jhino. Pero hindi naman ako makapag decide kung ano yung bibilhin ko. Kaya nagbabakasakali na lang ako na may makitang maganda. Unfortunately, bandila na ata at wala pa rin akong nahahanap
Tumambay na lang muna ako sa pizza house. Nakakagutom kaya tas isa pa masakit na yung paa ko
What if pizza na lang kaya yung ibibigay ko? Eh pano kung ayaw nya pala sa pizza? Nakakainis!! Ba't ba ang big deal sakin kung anong magugustuhan ni Jhino?!
'You're concerned about me?'
'What if I am?'
Ayy futek! Nag rerewind na naman sa utak ko yung mga sinabi nya kagabi
Umalis na lang ako dun para naman hindi na ako makapag-isip pa ng kung anu-ano. Napatingin ako sa isa sa mga branch ng boutique ni Chrisha. Ang ganda talaga ng mga designs nila *_*
Papasok pa lang ako ng may napansin akong lumabas mula sa boutique na yun
Sinundan ko yung dalawang taong nakita ko pero nawala na lang sila. Siguro namamalikmata lang ako. Ano ba kasi?! Lubayan mo na kasi ang utak ko, yan tuloy naghahalucinate na ako. Kung anu-ano na lang nakikita ko
Pupunta na lang ako ng timezone. Pampawala ng stress. On the way may nakita akong bracelet na may nakaukit na 'Thank you'. Ito na lang ibibigay ko. Kung hindi nya magustuan edi bahala sya
Naglaro lang ako sa parang basketball. Halos lahat ng ititira ko nakakapasok. Aba, don't underestimate the Romero family. Basketball player si dad, pati na rin si kuya, kaya marunong na din kami ni mom kasi tinuturuan kami nung dalawa
Napagod na rin ako after 2 rounds
"Galing mo naman" may pumuri sakin na lalaki pero di ko naman kilala kaya ngumiti na lang ako ng tipid
Palabas na ako ng timezone nang may makasalubong ako. And this time I wasn't just imagining things, or even hallucinating dahil I've seen it with my own two eyes
I saw Jhino and a girl both holding ice creams in their hands and laughing their hearts out. He glanced at me, and then look at the girl again. I'm positive na nakita nya talaga ako, and he chose to ignore me. That stupid asshole!!
'You're concerned about me?'
'What if I am?'
That evil, lying piece of sh*t. Leche sya. Yung ayoko pa naman sa lahat yung mga sinungaling.
Nag walk-out na lang ako sa mall at umuwi. Nawalan na ako ng ganang mag libot-libot. Nakakainis lang kasi. Naiinis ako sa kanya, pero mas naiinis ako sa sarili ko. Nag assume ba naman eh
Just remember Jhino, in every step that you'll take towards me, I'll always take two steps back. So you won't ever catch up on me
--
A/NLame update. Di pa naka recover sa acquaintance party last night na uber sa bitin. Kainis!! >_<
_zeilTastic_
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...