Yanna's POV
"A-anong . . . g-gagawin niyo sa'kin?" tanong ko sa kanila. Nakakatakot sila. Halata sa mga mukha nila na meron silang gagawing masama.
"Long time no see miss beautiful" sabi nung isa na dinilaan pa ang labi niya.
"A-anong kailangan niyo sakin? Kidnap for ransom ba to?" lumapit yung leader sakin at hinaplos ang mukha ko. Gusto kong umiwas at kagatin yung kamay niya pero hindi ko na lang ginawa. Bigla ko kasing naalala na mainitin pala ang ulo nito at brutal kung magalit.
"Ang daldal mo talaga"
"Anong kelangan niyo? Pera? Sabihin niyo lang handa namang magbigay ang pamilya ko kahit magkano" umatras siya ng konti at parang nag-isip. Kumagat ka please.
"Hmm, parang maganda yang inaalok mo"
"Pero boss, diba binabayaran naman tayo? Saka mahirap baka mabisto tayo jan" bulong nung kasama niya pero rinig ko parin. Sana pala hindi na lang siya bumulong -_______-
"Tumigil ka nga. Kung iisipin mo, ang kelangan lang naman nating gawin ay ikulong siya dito ng mga tatlong araw. Kung hihingi tayo ng ransom mula sa mga magulang ng babaeng to at saka lang siya pakakawalan pagkatapos ng tatlong araw, edi malaking pera ang makukuha natin mula sa dalawang panig" sabi nung leader nila. Tumango-tango naman yung mga kasama niya.
"B-bakit niyo ako ikukulong dito? May nagawa ba ako?" tumingin naman silang lahat sakin. "O baka naman may mangyayari sa loob ng tatlong araw"
Hinila nung leader nila ang buhok ko kaya napasigaw ako. "Napaka daldal mo. Tumahimik ka!"
Tinali niya ako sa isang upuan. Somehow nagpapasalamat ako kasi wala silang ginagawang masama sakin like pagsamantalahan ako. Pero bakit ba kasi ako dapat ikulong ng tatlong araw? Ano bang meron dun?
Nag-isip ako ng nag-isip pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Naman oh, kahit ngayon lang gumana ka naman brain cells ko.
Hindi ko tuloy maisawang magtanong. Hinahanap kaya ako ni Jhino? Napansin kaya niya na nawawala ako? At ano na lang kaya magiging reaction ng tatlo pati na rin ni Ma'am Jasmine kung malalaman nilang nawawala pala ako.
Napasinghap ako. Oo nga pala. In three days na magaganap ang Mr. and Ms. Campus 2015.
Does this mean na ang may pakana nito ay isa sa mga contestants ng pageant na yun? Pero sino?
Jhino's POV
Naweweirduhan na talaga ako sa babaeng yun. Aish ginugulo niya ang isip ko. Kelangan ko na talagang dumistansya sa kanya.
Hindi na ako sumama kina Arwin at Kyle sa canteen. For sure naman kasi andun ang babaeng yun. Tsk, ang takaw niya. Kain ng kain hindi naman tumataba. Makatulog na nga lang.
Pumunta ako sa likod ng building at dun natulog sa ilalim ng puno. Tinakpan ko na lang ng aklat ang mukha ko para walang istorbo na makakakita sa mukha ko.
Malapit na ako makatulog nung makarinig ako ng mga mahinang footsteps papalapit sakin. Hinintay ko na lang na umalis pero naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ba to makahanap ng sariling pwesto at talagang makiki-share sakin? Hindi ko na lang pinansin. Hindi rin naman nang-iistorbo kung sino man tong taong to kaya ayos na rin.
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...