Yanna's POV
Maaga kaming pumunta sa school ngayon dahil may photoshoot daw kami para sa Mr. and Ms. Campus 2015. Ba't kasi napasali pa ako dito? For sure yung tatlo ang dahilan nito.
Sa photoshoot namin ngayon, you need to wear something that best descibes you. Hindi naman ako na-inform na kelangan palang magdala ng extra na mga damit kaya sermon ang nakuha ko mula kay Ma'am Jasmine. Kahit kelan talaga favorite student niya ako ×_____×
Manghihiram nalang ako kay Chrisha. For sure naman maraming damit na nakaimbak yun sa locker niya. Living closet kaya yan, hindi nauubusan ng mga damit.
"Ano ba yan Yanna? Photoshoot tapos hindi ka nagdadala ng extrang mga damit?" ayan, nasermonan na naman ako ni AJ
"Eh hindi ko naman kasi alam. Kasalanan ko ba yun?"
"Common sense lang eh noh. Photoshoot tapos naka uniform ka? Anyari sa brain cells mo te?" -- Madelle. Pinagtutulungan na naman nila ako =____=
"Malay mo uniform ang kukuhanan. Eh diba nga Mr. and Ms. Campus di dapat naka uniform kami"
"Ang dami mong satsat. Eto suotin mo na yan" may binigay siya sakin na mga damit saka ako tinulak sa C.R. Kung alam ko lang na ganito pala ka hassle edi sana nag back-out na ako. Eh kung mag back-out kaya ako? Tutal maaga pa lang naman
"Bilisan mo na jan. At wag mong isiping mag back-out malalagot ka talaga sa'min" sigaw ni AJ mula sa labas. Sabi ko nga di na ako mag baback-out -_______-
Pagkatapos kong magbihis lumabas na rin ako. Tinignan lang nila ako mula ulo hanggang paa.
"Wonderful. Oh halika na aayusin pa natin yang buhok mo" -- Chrisha
Ang pinasuot nila sakin ay pink dress na hanggang hita ko at tinernohan ng white leggings. Napaka simple lang pero maganda. Inayusan na nila ako. Tinali nila ang buhok ko into a ponytail pero pinabayaan lang nila ang bangs ko sa harap. Very light make-up lang since magmumukha akong clown sa heavy make-up. Hindi kasi bagay sakin ang mga ganun.
Pagkatapos nilang pag experimentuhan ang mukha ko ay iniharap na nila ako kay Ma'am Jasmine.
"Simple yet beautiful. I love your work girls. May plus points kayo sakin" sabi niya. Nag appir pa silang tatlo.
Nakita ko si Jhino kaya lumapit ako sa kanya.
"Kinakabahan ako" sabi ko sa kanya
"Sus, photoshoot lang yan. Para namang hindi ka mahilig mag selfie" hinampas ko siya
"Iba naman ang selfie sa photoshoot"
"Don't worry. Kasama mo naman ako eh" hindi na ako umimik. Ewan ko pero kinikilig ako ^___^
"Alam mo nagmukha kang tao ngayon" tinignan ko siya at kinikilatis niya ako mula ulo hanggang paa. Binabawi ko na ang sinasabi ko, hindi pala ako kinikilig sa kanya ~______~
"Buti pa ako nagmukhang tao. Ikaw hindi pa rin" ganting pang-aasar ko sa kanya.
"Gwapong nilalang naman. Ang dami ngang nagpapantasya sakin" kinuha ko ang mukha niya at hinarap sideways.
"Weh? Gwapo? Sa'n banda? At tsaka anong nagpapantasya ang sinasabi mo? Nandidiri kamo"
"See those girls?" tinuro niya sakin ang mga babae sa gilid na ang lagkit makatingin kay Jhino. "Yan ang proof na ang daming nagpapantasya sakin"
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...