Chapter 15 _Mr. and Ms. Campus 2015_ part 2

11 0 0
                                    

Yanna's POV




Kinakabahan na ako. Question and answer portion na kasi ang susunod. Pa'no na lang kung hindi ko masagutan yung tanong? Edi pahiya ako nito.




"Teka nga Yanna, kalma. Nahihilo na ako sayo" sabi ni Chrisha. Kanina pa kasi ako palakad-lakad dito sa backstage. Eh sa nakakakaba naman kasi eh. Umupo na lang ako at kinakagat ang kuko ko.




"Itigil mo nga yan. Para kang timang. Saka masisira ang lipstick mo" awat sakin ni AJ. Feeling ko nga parang gusto na nila akong itali sa upuan.





"Just relax, okay? You're witty, so we know you can handle it. Hindi ka naman siguro isasali jan kung alam namin na wala kang ibubuga" sabi ni Madelle. Sinamaan ko lang siya ng tingin. They're the reason why I'm in this mess in the first place.




"Candidates, mag ready na kayo" may nag announce sa'min. Humugot ako ng malalim na hininga. Hinanap ko si Jhino at nakita ko siyang nakikipag-usap kay Janine. Hindi ko na lang sila nilapitan. Baka kasi nakakaistorbo ako sa kanila (insert roll eyes here).






Mayamaya pa tumabi naman siya sakin. Hindi siya nagsalita kaya nanahimik na lang ako. Baka mamaya kung ano na lang ang masabi ko sa kanya. Teka, ba't ba ako nagagalit? Aish, focus Yanna.




Tinawag na kaming lahat sa stage, inirampa ang mga long gowns namin. Ang suot ko ay isang violet gown na abot hanggang sahig. Simple lang ang design pero bagay daw sakin kasi mas tumingkad yung kutis ko. Napatingin naman ako sa gown ni Janine. Hers is a red velvet gown. Humahawi ito sa katawan niya na nagpapakita ng mga curves niya sa katawan. May hati ito sa gilid ng hita niya. Simple design yet stunning.




Pagkatapos naming rumampa ay susunod na ang Question and Answer portion. Hindi na kami pinapunta sa backstage kaya't nakatayo lang kami sa stage ngayon, hinihintay kung kelan kami matatawag. Hopefully hindi ako kasali sa matatawag. But that's impossible.




Isa-isang tinawag ang mga candidates hanggang si Janine na ang tinawag sa gitna. Malapit na akong matawag. Lahat ng santos sa kalangitan, sana tulungan niyo po ako T-T





"Good evening gorgeous" sabi ng emcee sa kanya. Ngumiti naman si Janine.


"Good evening to you too, handsome" may mga nag cheer at nag whistle mula sa mga audience. Yung emcee naman halatang kinikilig.





Pinabunot na si Janine ng magiging question niya mula sa isang fishing bowl.




"Okay, here's your question Ms. Montreal. Kapag yung mahal mo may mahal nang iba, would you fight for him, or set him free?"




Kinuha ni Janine ang mic at agad na sumagot. Ni hindi nga siya nag-isip kung anong isasagot niya.




"Thank you for that question. Well, I would rather fight for him than let him go. I am not stupid enough to let go someone I deeply love. And I'm not a masochist for me to have pleasure when in reality I'm in deep pain. Why would I give up something that I want? Call me selfish but I would rather look like an idiot for fighting a man who doesn't love me back, than to look even more idiot for crying over things I did on purpose. I'll continue to fight for him until I realize that he's not worth fighting for. That's the time that I will have to set him free"



Binigay niya ang mic sa emcee. Pumalakpak naman ang mga tao. Grabe, yun ang pinaka magandang sagot na narinig ko so far. May pinanghuhugutan kaya siya? Para kasing tagos sa puso yung mga pinagsasasabi niya.





Till Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon