Madelle's POV
May tiwala talaga ako kay Yanna na mananalo siya sa pageant na yun. Ang hindi ko lang talaga expected na mangyayari ay yung naging sagot niya sa Q and A. Ano kayang naging reaksyon ni Kimbert nang marinig niya yun? Hindi ko na nga lang siya iisipin. May mas importante pa akong gagawin.
Nandito ako sa labas ng isang bahay. May inaantay lang akong lumabas. Mayamaya lumabas na rin siya. Mabuti na lang talaga at tinted ang salamin ng kotse ko. Kung hindi pwede akong mabisto nito anytime.
Nag drive ako papunta sa isang restaurant. Nang makapasok na siya ay pumasok rin ako. Pumwesto ako malayo-layo sa kanya pero sapat para marinig ko ang pag-uusap nila ng kasama niya. Kung meron nga siyang kasama. Para kasing may hinihintay siya.
To tell you honestly, I'm an undercover agent. De joke lang -_____- Sinusundan ko lang talaga si Kyle. Oy hindi ako stalker ah. Curious lang ^____^
Mayamaya pa may dumating na babae. Ito siguro ang hinihintay ni Kyle. Kumain lang sila pero hindi nagsasalita. Umorder na rin ako ng pagkain ko. Ang weird naman kasi kung uupo lang ako dito ng wala man lang inoorder.
Biglang tumayo si Kyle. Pupunta ata ng restroom. Yumuko ako. Madadaanan niya kasi ako. I crossed my fingers para hindi niya talaga ako makita. Effective naman kasi nag dire-diretso lang siya. For a moment parang gusto kong lapitan yung babae at tanungin kung kaano-ano niya si Kyle. Pero syempre di ko yun ginawa. That would be so stupid of me.
Ganito kasi yun. I really really really really really like Kyle to the point na nagmumukha na akong stalker. And to be honest, hindi siya mabait sakin. Nagiging mabait lang siya pag nasa harap kami ng barkada. Which is ginagawa kong opportunity para makadikit ako sa kanya. Pero kapag kaming dalawa na lang, kulang na lang tumakbo siya palayo sakin para ipagsigawan na ayaw niya talaga sakin. Pero syempre, hindi ko ugali ang magpatalo kaya sa ayaw at sa gusto niya, dumidikit pa rin ako sa kanya kahit na nagagawa ko lang iyon sa harap ng barkada. At kahit pa maging stalker ako, makuha ko lang ang attensyon niya ayos na sakin yun.
Minsan nga nung kakatapos lang niya maglaro ng basketball kasama ang buong varsity, sinundan ko siya hanggang sa dresser room nila. Syempre sinigurado ko muna na mag-isa lang siya sa loob para naman hindi ako mapahiya sa mga ka-teammates niya. Nakita ko siyang nagbibihis ng t-shirt. Kaya lang nakita niya ako sa salamin. Nainis siya pero tumakbo lang ako palayo habang tumatawa, thinking that I am one lucky girl to be able to see those abs.
Masyado ata akong nadala sa pagde-daydream ko kaya hindi ko napansin na meron palang nakatayo sa gilid ko. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa gilid ko and a small gasp escaped from my lips. How I wish na sana hindi ko na lang pala tinignan kung sino siya at instead dinedma ko na lang.
Kyle is looking at me intensely, or should I say he's glaring at me. I can feel that he's really mad. Maybe I've crossed the line.
Gustong-gusto kong umiwas sa mga titig niya but I can't. Yun bang kapag umiwas ka feeling mo sasabog sa galit si Kyle. Nang hindi ko na kayang tagalan ang mga titig niya, dali-dali akong umalis sa restaurant. I was about to open my car when someone yanks me away. It was Kyle, at ang sama pa rin ng tingin niya sakin.
"Bakit ba parati mo na lang akong sinusundan ha?! Aso ba kita?!" singhal niya sakin. Wala naman masyadong tao sa paligid pero karamihan sa mga tao sa restaurant ay nakatingin sa'min.
I lowered my gaze. Ano ba dapat kong sabihin sa kanya? 'Kyle, gustong-gusto kasi kita kaya kita sinusundan'. That would be the lamest explanation I've heard. Besides, hindi naman siya manhid kaya alam na siguro niya na may gusto ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...