Madelle's POV
'Oh look, bumalik na siya sa dati'
'Ano kayang nagpabalik sa kanya?'
'She's back'
I smirk. Oh yes, I'm back.
Halos lahat ng mga estudyante sa academy napapatingin sakin kasabay ng mga bulongan nila na useless kasi naririnig ko naman. Iba na kasi ang aura ko ngayon. Besides, naka eyeliner rin ako na ginagawa ko lang dati. Naninibago siguro sila kasi ilang linggo ko rin itong tinigil.
"Hi Madelle" may lalaking lumapit sakin. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay.
"Uhh, hello?"
"Uhm, I was wondering if we could have lunch together?" mukhang nahihiya pa siya kasi napapakamot siya ng ulo. Usually kapag may ganito pinapalayas ko na siya. Pero dati yun.
"Sure" ngiting tugon ko sa kanya. Natulala siya sandali. Hindi ko alam kung saan siya nagulat, sa pagpayag ko o sa pagngiti ko. Ngumiti naman siya tapos napa 'yun oh' ang mga barkada niya sa gilid sabay ng fist pump. Umiling na lang ako. Nang dumating na ako sa classroom, ako na lang pala ang kulang sa barkada.
"Hey Madz, anong pauso yan?" bati sakin ni AJ. Napansin niya ang eyeliner ko kaya pati siya mukhang naninibago. Tinigil ko na kasi ang paggamit nun simula nung makilala ko si Kyle kasi sa tuwing ginagamit ko yun, mas nagmumukha akong masungit. But now there's no reason for me not to use that anymore. I just shrug. Tumaas ang isang kilay niya sakin pero dumiretso na lang ako sa upuan ko. Ayoko munang mag entertain ng mga tanong ngayon.
"Bumabalik ka na sa dati?" curious na tanong ni Chrisha. I just shrug again.
"Dati?" tanong ni Kyle. Napalingon ako sa kanya. Magkatabi nga pala kami -______-
"Yep. Alam mo kasi Kyle, yang si Madelle napaka mataray niyan" sabi ni Yanna. Hayy naku, mamaya niyan magkukwento na yan about sakin. Ang daldal kasi niyan -___-
"Halata nga" isa pa tong si Jhino, nag comment pa. Eh yung ugali nga niya parang ako lang noon eh. Masungit sa iba, pero ubod ng bait naman sa taong gusto niya.
Hindi pinansin ni Yanna ang comment ni Jhino. Umarte lang siyang parang hindi niya ito narinig, which is weird kasi nitong mga nakaraang araw ay sobrang close nila sa isa't-isa.
"Ganito kasi yun. Dati, lahat ng lalaking lumalapit sa kanya ay tinataboy niya. Hindi mo siya basta-basta malalapitan kasi ang sama niya makatingin, yung tipong nakaka intimidate. Pag di ka niya close, tatarayan at susungitan ka lang niya," kinuwento na talaga ni Yanna ang ugali ko dati kay Kyle. Pero wala naman akong pakialam so kinuha ko na lang ang earphone at isinaksak sa tenga ko at kunwari nakikinig ng music.
"Talaga? Eh ba't ang bait niya sa'min ni Kyle nung una niya kaming nakita?" tanong ni Arwin.
"Ewan ko. Baka dahil kaibigan ka ni Jhino" -- Yanna
Naramdaman kong nakatitig si Kyle sakin pero hindi ko na lang pinansin. Kung gaano kabilis akong ma-fall sa isang tao, ganon din ako kabilis magsawa. It's his loss anyway for ignoring me.
Hindi na sila nakapag-usap pa kasi dumating na ang teacher namin. Nung breaktime namin sabay-sabay kaming pumunta ng canteen. Si Shin ang bumili ng pagkain ni Chrisha. Nag offer si Arwin para kay AJ pero hindi siya pumayag. Si Yanna naman nauna na sa counter, sinundan lang siya ng tingin ni Jhino. Ano kayang meron sa dalawang yun? Pupunta na sana ako ng counter pero nag offer sakin si Kyle na siya na lang daw. I just shrug. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...