Dedicated to one of my bestfriend, Ms. Aljean and to my Kpop-lover-friend Ms. Danica for inspiring me to continue this story :)
--
Dala-dala ko ang gitara ko habang papasok ng school. Napag-utusan ba naman eh -____-
Flashback
Kakatapos ko lang maligo nung nakita kong umiilaw ang phone ko sa ibabaw ng study table ko
*Madelle calling*
Aba himala, napatawag ata ang isang to. Hindi naman to mahilig sa tawag tawag, lahat dinadaan sa text
"Oh bakit?" di uso sakin ang hello basta silang tatlo ang kausap ko
(Asan ka na?)
"Bahay pa"
(Dalhin mo yung gitara mo pagpunta mo dito sa school. Bilis!)
"Ha? Bakit?" nakakatamad kaya magdala nun. Tsaka never ko pang dinala yun sa school
(May event kasi mamaya, eh nakakatamad manood. Mag jamming nalang tayo mamaya sa rooftop)
"Nakakatamad kayang dalhin yun. Extra baggage lang yun eh. Kung mag cutting nalang kaya tayo, pinapahirapan nyo pa ako sa pagdadala ng guitar na yun"
(Hindi rin naman tayo makakalabas ng school kasi nandun ang mommy ni AJ. I'm sure papagalitan yun pag nahuli tayong nagcucutting)
"Eh kung matulog nalang tayo dun sa mga bakanteng rooms"
(Basta dalhin mo na yang guitar mo. Wag ka nang umangal)
"Pero--"
*toot toot*
End of Flashback
Langya talaga yung mga yun, pinagkaisahan na naman ako
Naglalakad na ako papuntang room. Late na naman. Hindi na bago sakin yun
Pagdating ko ng room, lahat sila tumingin sakin. Para naman silang nakakita ng artista ^_^
"Buti naman dumating ka na Ms. Romero" sabi sakin ni Ma'am Jasmine
"Sorry I'm late ma'am" sabi ko na lang tsaka pumunta sa likod kung saan ako nakaupo
"Buti naman dinala mo yan" sabi sakin ni Madelle. Yung ngiti nya talagang ngiting tagumpay. Psh!
"Ok class, as what I've said a while ago, we need two representative for each section. Ayos na ba kayo dun sa napili nyo? No other nominees?" sabi ni maam Jasmine. Mahirap talaga pag late. Minsan na o-Op ka sa mga pinagsasabi ng teacher
"Ayos na yun ma'am" sigaw ni AJ
"Oo nga, wag mo nang palitan maam" -Madelle
"Lahat na naman kami nag agree na dun" isa pa tong si Chrisha
"Huy, ano ba yung pinag-uusapan nyo?" kinalabit ko yung katabi ko which is si AJ kasi nga talagang naa-Out-of-place na talaga ako
"Secret" sabi nya sabay wink. Binatukan ko nga. May pa secret secret pa kasi -_____-
"It's decided then. Si Mr. Jhino Valdez at si Ms. Ileana Louise Romero ang magiging representative ng section natin para sa Mr. and Ms. Campus 2015"
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...