"Yo Yanna, wake up!!" binato ko ng unan si kuya tas tinalikuran sya. Nakakainis ba't kasi nanggigising pa. Kina-career na nya yung pagiging human alarm clock nya
"Ang aga pa kuya. Wag ka mambwiset"
"Anong maaga? 6 am na, may pasok ka pa"
Argh!! As if naman may pakialam ako kung male-late ako. Everday nga akong late eh
"Ok. Papaalisin ko na lang ang bisita mo" at his words bigla na lang akong bumangon at hinarap sya
"Sinong bisita?"
Nag poker face lang sya. "Wala. Yung babaeng pusa lang"
Inaaway na naman nya yung hello kitty ko -_____-
"Sino nga kasi?"
"Boyfriend mo daw" yung pagkakasabi nya talagang may halong bitterness tsaka galit. "Sabihin mo nga sakin yung totoo Yanna, nag sesekreto ka na ba sakin ngayon ha?"
"Anong boyfriend? Eh wala naman akong boyfriend ah. Teka, sinong demonyo ang may sabi nyan at iihawin ko"
Bumaba na ako not minding na hindi pa ako nagsusuklay, hindi pa naghihilamos, at kahit pagtanggal ng muta hindi ko pa nagawa. In short, ako ang perfect definition ng salitang BRUHA -______-
Pumunta ako ng sala at nakita ang isang lalaking nakatalikod
"Hoy, lalaking feelingero na kung saang planeta ng universe nanggaling na kung maka angkin na girlfriend nya ako, aba hindi maaari yun. Over my gorgeous body cells" nakapamewang pa ako nung sabihin ko sa kanya yan. Aba wala pa ata akong plano magka boyfriend noh tapos tong lalaking to pupunta-punta lang sa bahay tapos magpapakilala sa kuya ko na boyfriend ko sya? Aba, no no hindi maaari yun
"Tsk, ke aga-aga ang ingay mo" na shock ako. Yung boses na yun. OMG!!
Parang nag slow motion yung pagharap nya sakin. His shocked face mirrored mine. Siguro na shock din sya pagkakita sa itsura kong mukhang taong grasa. Hala oo nga pala!!
Ngayon ko lang na-realize na pang halloween pala yung mukha ko ngayon. Too late dahil kinuhanan na nya ako ng picture gamit ang phone nya. Kaasar!
Nagdabog na lang akong umakyat sa kwarto tsaka naligo. Mamaya ko na lang sya ilalampaso sa sahig pag maayos na ang itsura ko. Baka kasi kuhanan pa nya ako ng isa pang picture. For sure mamatay-matay na yun sa kakatawa. Nakakahiya!! >//<
Bumaba na rin ako after kong mag shower at mag bihis. Yung dalawa ayun sa kusina at nagtatawanan. Aba, friends na sila? Nagayuma ata si kuya =___=
"Oh Yanna. Kumain ka na, baka ma-late ka pa" tumabi na ako kay kuya. Bale si kuya sa center, ako sa right side nya tapos si Jhino sa harap ko
"What is he doing here kuya?" i said habang kumakain, hindi ako tumitingin sa kanilang dalawa
"Ako maghahatid sayo papunta ng school" tinignan ko sya
"Ikaw ba si kuya?" tinaasan ko lang sya ng kilay
"Psst, Yanna, behave ka nga. I asked him to do it" tinignan ko naman si kuya
"You asked him to? Since when are you friends with him kuya?" hindi naman ako against dun. Kaya lang nakakapanibago si kuya eh. Kapag mga ganyan usually hindi na umaabot hanggang sa sala yung ibang mga lalaki. Swerte na lang sila kung makatapak sila sa loob ng bahay. Big brothers -_____-
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
Любовные романыIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...