Yanna's POV
Dinala niya ako sa isang Amusement Park. Still no reaction ako. Wala naman kasi ako sa mood.
"Libre mo naman siguro to noh. Since kinaladkad mo naman talaga ako papunta dito"
"Tss, oo na"
Kumain muna kami. Wala nga akong inorder dahil wala akong gana pero dahil alalay niya lang daw ako kaya wala daw akong karapatang mag comment. Kaya siya na lang ang umorder ng lahat ng pagkain. As in ang dami nga eh -_____-
"Hmm, sa'n ba masayang puntahan dito?"
"Dun nalang sa--?" hindi niya ako pinatapos at tinakpan niya ang bibig ko
"Hep. Bawal kang mag suggest. Ako boss dito" kita mo to. Nagtatanong pero ayaw naman na sinasagot.
Naglilibot kami para mamili daw kung anong una naming sasakyan. Nakasimangot lang ako all the way. Pa'no ba naman, panay ang tanong niya tapos kung sasagot naman ako, ayaw niya. May sayad na ata to sa utak.
"Anong gusto mo?" ayan, nagtatanong na naman siya. Di ko na lang siya sinagot.
"Huy, tinatanong kita" sinamaan ko na lang siya ng tingin. Manigas ka jan. Nakakabobo kang kausap.
"Aish, bahala ka nga. Wag kang magreklamo sa napili ko ha" hinila niya ako papuntang horror house. Jusko naman, ba't ba gustong-gusto ng mga lalaki ang horror house kung hindi naman sila natatakot? Gusto lang ata nilang maka chansing eh
Naglakad na lang ako palayo. Never pa akong nakapasok sa horror house. Hindi naman ako natatakot. Well, sort of. Ang creepy kaya tas nakakainis yung mga bigla-bigla na lang sumusulpot at nanggugulat.
"Hep hep, sa'n ka pupunta?" hinila ako ni Jhino pabalik. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Nakakadiri kaya diyan" nasabi ko na lang. Hindi naman ako natatakot eh, na-eexcite nga ako pero kasi, madali lang akong magulat kaya sort of natatakot na rin ako pag nagugulat ako.
"Natatakot ka ba?" tanong niya na parang nang-aasar.
"Basta, ayoko jan. Period" hindi siya nakinig sa'kin at hinila niya na ako papasok. Bwiset talaga to si Jhino kahit kelan.
Nakapasok na kami sa loob. Ang dilim. I swear if ever na may manggulat sa'kin dito talagang sisipain ko sa most precious thing niya
"You can't back out now" bulong ni Jhino sa may tenga ko.
"I know"
"You know you can cling to me if you like" tinignan ko siya at nag wink siya sa'kin. Ang kapal nito. Inirapan ko lang siya at nauna nang maglakad. Kaso may naririnig ako sa unahan kaya bumalik ako sa kanya.
"Miss me?" nakangiti pa siya ng nakakaloko
"Mukha mo" hindi na ako naunang maglakad. Mamaya may manggulat pa sa'kin dun sa unahan.
"Boo!!"
"Aaaaaahhhhhhh" kakaisip ko pa lang na may manggugulat sa'kin may bigla namang sumulpot sa gilid ko. Sinipa ko siya sa tuhod. Napa 'aray' naman siya

BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...