AJ's POV
Eeksena muna ako ngayon. Nakakasawa na kasi puro na lang point of view ni Yanna.
Anyways, nasa'n na kaya yung babaitang yun? Matapos syang maging walk-out queen, nag cutting na rin ang loka. Iniwan pati bag nya. At syempre dahil good friends kami (wag nang umangal, susuntukin ko kayo) ihahatid na lang namin yung bag nya mamaya.
"Aish ano ba? Ang kulit mo ha!!" kanina pa kasi ako kinukulit ni Arwin. Kesyo daw ang sweet nila Shin at Chrisha tapos kami hindi. Eh ano bang pakialam ko? Tadyakan ko to eh.
"Bakit ba ang sungit mo? PMS ka?" I glare at him.
"Suntukin kita, gusto mo?" hindi ako nagbibiro. Marunong ako ng basics ng self-defense kaya kung gusto kong sumuntok ng makulit na lalaki ngayon, talagang gagawin ko yun.
"Are you even a girl?" hindi na ako nakapagpigil at sinuntok ko talaga sya. Napa 'oww' naman sya. Buti nga. Asan na kasi ang tatlong yun? Missing si Yanna, si Chrisha naman may ka-date, si Madelle? Ayun na love at first sight na ata kay Kyle. Geez -_____-
"Amfuta AJ, masakit!!" sabi nya sabay sapo sa ilong nya. Nakonsensya naman ako agad. Hindi naman ako masamang tao noh.
"Masakit ba?" hinawakan ko sya sa balikat nya pero hinawi nya lang ang kamay ko. Ang arte ha!
"Bingi lang? Kasasabi lang diba?"
"Aba gusto mo atang madagdagan yan" pumorma ako na parang susuntok ulit. Actually nag jojoke lang talaga ako. Pero kasi yung mukha nya parang natatakot. Ang cute, hahahaha xD
"Tss, natutuwa ka pa ata na kinakawawa mo ako. Ang sama mo" nag pout sya. Ako lang ba o may diperensya na ako sa mata. Kasi parang mas gumwapo pa sya sa paningin ko. Pinilig ko na lang ang ulo ko. Nababaliw na ata ako.
"Halika na nga" inakay ko sya papuntang clinic. Kinokonsensya kasi ako nung loko.
"Oh kinilig ka naman jan" sabi ko sa kanya. Hindi ako feelingera ha. Halata kasi kung makangiti eh
"Sino may sabi? Assuming much?" tinignan ko sya ng masama.
"Baka gusto mo pa ng isa?"
"Joke lang. Eto naman. Ang amazona mo masyado"
"Whatever"
Hinatid ko na sya sa clinic. Hindi ko na dapat pa hintayin ang mokong na yun kaso pinag stay pa ako ng nurse dahil wala daw syang kasama. Kailangan ko ba talagang bantayan pa yan? Eh hindi naman yan bata.
Sumenyas na yung nurse dun na pumasok na ako. Pagdating ko dun, nakita kong may kausap sya na babae na dinala din sa clinic at talagang kilig na kilig kay Arwin. Sus, ano naman kayang nakakakilig sa unggoy na yan.
"Oh, may kasama ka na pala. Geh alis na ako"
"Wait, sandali lang. Ah miss, sorry pero I think napikon ata yung girlfriend ko kaya if you don't mind . . ." na gets naman nung babae yung ibig nyang sabihin kaya umalis na sya. Nilapitan ko naman si Arwin at binatukan.
"Anong girlfriend ang sinasabi mo?" aba kung magkaka boyfriend man ako hindi sa kagaya nya. May taste kaya ako.
"To naman, hindi na mabiro" hinimas-himas nya yung ulo nya.
"May kailangan ka pa sa'kin?" tanong ko sa kanya ng nakapamewang.
"Why did you ask?"
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomantizmIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...