Hayy, i'm so sleepy. Pero tiis-tiis lang muna. Terror kasi ang teacher
"Ok, answer this Ms. Romero"
Biglang nabuhay lahat ng dead cells ko sa katawan. OMFG!!
"M-ma'am? ... ano nga po ulit yung question?" nagdikit naman ang kilay ni maam Jasmine. PATAY!!
"Are you even listening?"
"Eh kasi maam, nag take down notes po kasi ako eh" that was a half lie. Nagsusulat nga ako pero kanina pa ako natapos
"Lame Excuse" shemayy, mapapahiya ako dito ng wala sa oras
"Ma'am" may lalaking nagpataas ng kamay. I don't know who he is. I only knew a few people from my classmates at wala akong planong kilalanin silang lahat. As if naman may mapapala ako
"Help daw maam" sabi ni AJ, one of my bestfriends. Kilalang-kilala ko na sya kaya alam kong may iba sa mga tingin niya. I just rolled my eyes at her
"Ok. Next time Ms. Romero, listen to my class. I don't want mentally absent students in my class" pinaupo na nya ako. I was atleast saved but somehow napahiya ako. Aish! Reminder 101, matulog ka ng maaga Yanna >_
I'm Ileana Louise F. Romero, 16 and 4th yr high. People call me Yanna for short
"Hindi ko alam kung matuwa ako kasi naligtas ka, o maawa kasi napahiya ka" bulong sakin ng isa kong bestfriend, si Madelle
"I think he likes you" sabi sakin ni Chrisha, bestfriend ko din
"Are you kidding? No way" tinignan ko yung lalaki kanina na ngayon ay nakaupo na. Nag smile ako sa kanya para ipakita sa kanya yung pagpapasalamat ko pero inirapan nya lang ako. Hmph! Sungit, suplado, yabang. Akala mo naman kung sinong gwapo. "See? He's probably just showing off" sabi ko sa dalawa
Tumango sila at nagpatuloy sa pakikinig. Well actually, sila lang pala. Kasi after nung nangyari, I can feel someone staring, or more likely glaring at me from behind. Lumingon ako at nakita ko si Mr. Yabang na nakatingin sakin. Kitang-kita ko naman ang pagtaas ng isa nyang kilay kahit na may bangs sya. Humarap ako at kinalma ang sarili ko. Okay Yanna, breathe. Wag kang assuming!
Nag bell na para recess. Woot woot, favorite subject of the day. Hinatak ko na palabas sina AJ, Madelle at Chrisha. Mahirap na baka maubusan pa ako ng pagkain
"Hindi ka naman gutom sa lagay na yan ha" reklamo ni AJ
"Ba't ba kasi ang takaw mo? Aish, di pa tuloy ako nakapag retouch" -Madelle sabay suklay ng buhok nya gamit ang mga kamay nya
"Teka nga lang, ang kamay ko. Dahan-dahan nga Yanna" -Chrisha
I stopped midway at tinignan sila isa-isa
"Sasama kayo sakin o sasama kayo?" I said while putting my hands on my waist
"May choice ba dun?" -AJ
Nag puppy look lang ako. I know they can't say no to this
"Sorry but not this time Yanna. May lakad pa ako. Susunduin ko pa yung kapatid ko" -AJ. Pwede kasi syang mag labas-masok sa school. Sila ba naman may-ari eh
Tinignan ko si Chrisha
"Sorry Yanna, may usapan kasi kami ni Shin na sabay kami ngayon eh" si Shin yung boyfriend nya. Ok, sya na may boyfriend ~_~
"Sige babye" sabay alis nilang dalawa. Tinignan ko naman si Madelle
"Ano? Aalis ka rin ba?"
"Of course not. True friend mo kaya ako kaya hindi kita iiwan, in sickness or in hunger man yan" sabay akbay sakin. Loko talaga tong babaeng to
Bigla namang tumunog yung cellphone nya
"Hello ... oh bakit? .... ngayon na talaga? .... aish, geh papunta na 'ko" binaba nya yung phone nya tpos tinitigan ako. Alam ko yang style nyang yan eh. Humihingi yan ng permission -_-
"Hayy, ano pa nga bang magagawa ko. Sige na, puntahan mo na yan, kung sino mang ponsyo pilato yan" -_-
"Yeyy, thank u bestie. Babawi ako sa sunod"
Mukhang magpapakaloner muna ako ngayon ah. Tumunog na yung tiyan ko kaya pumunta na akong canteen. Bumili lang ako ng dalawang sandwich, macaroni salad tapos coke tsaka pumunta na ako sa tambayan ko sa tuwing nagiging loner ako
Whoo!! Sarap naman ng hangin dito. Tapos na akong kumain. Sumilip ako sa baba at pinagmasdan ko yung mga estudyanteng pakalat-kalat sa daan. May bigla akong naisip *evil plan*. Mwahaha
Kinuha ko yung bottle ng coke. Plastic lang yung bottle na yun. Itatapon ko ba sana kaso may kumuha nito galing saking likuran. Tinignan ko kung sino sya at nagulat na lang ako when I realize kung sino sya
"Don't you know that you're destroying the environment?" napa nganga ako. As in literal. I mean, who would thought na ang masungit at mayabang na katulad nya ay isang nature lover pala? How extraordinary
Kinuha nya yung bottle tska hinampas ng mahina sa ulo ko. Alam mo yung hahanga na sana ako ng konti sa kanya? -__-
"You..."
"Handsome? I know" sabay smirk. Argh, jerk. Ba't ba ang feeling close naman nito masyado
"Excuse me? Kilala ba kita? Tsaka pwede ba, mind your own business nga. Feeling close ka naman masyado"
"Ang choosy nito. Sa tingin mo ba talaga lalapitan kita, eh ang pangit pangit mo" sabay turo sa noo ko
"Tsk!! Ewan ko sayo" kinuha ko yung bottle ng coke sa kamay nung lalaki na yun. Papaalis na sana ako kaso may bigla akong naisip
Binuksan ko na yung pinto. Mahirap na baka kailangan ko na talagang tumakbo
"Hoy yabang" binato ko iyong bottle ng coke
Lumingon sya sakin at sakto namang paglingun nya, tumama ang bottle ng coke sa mukha nya. Tumakbo naman ako pababa ng hagdan. Pero bago iyon, narinig ko muna yung sigaw nya
"BABAE KA BUMALIK KA DITO!!! HUMANDA KA LANG TALAGA SAKIN PAG NAKITA KITAAAAA!!"
Well pasensya na, para-paraan lang yan eh. At sa ngayon, quits na tayo ^_^

BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...