Alam mo yung feeling na may nakabantay sa bawat kilos mo? Yan kasi Yanna, ba't mo ba kasi ginawa yun?
Eh sa nakakainis sya eh. Buti nga sa kanya
Nu bayan, pati sarili ko kinakausap ko na. Nakakainis naman kasi yung yabang na yun eh. Kala mo naman kung sinong gwapo. Well gwapo naman sya. Pero kahit na
Nag vibrate naman yung cellphone ko
*1 message received*
From: Unknown number
Hi
Sino na naman kaya to? Tutal naman wala akong ginagawa kaya papatulan ko na muna kung sino man tong taong nantitrip sakin
To: Unknown
Sino ka?
*beep* (vibrate po yan) xD
From: Unknown
An admirer
Choss. Uso pa ba ang secret admirer sa 20th century?
To: Unknown
More like stalker. Who are you? How the hell did you get my number? You're creeping me out
Admirer daw. Baka naman kakilala ko lang to na walang magawa sa buhay at nakakita ng mapaglilibangan
From: Unknown
Grabi naman to. Actually hindi naman talaga ako admirer, I just want to be your friend :)
Kitams. Admirer my ass ~___~
To: Unknown
Do I know you?
From: Unknown
You don't me, but I know you :)
Ang bilis nyang magreply ha. Pero ano daw? Kilala nya ako? Hay naku, ewan ko sayo. Na save ko yung number nya sa phone ko as STALKER
Hindi ko na nireplayan yung unknown number na yun at nag focus nalang sa librong hawak ko. Nandito ako sa library ngayon para mag study para sa math quiz namin mamaya. Yung tatlo? Ayun, nasa kani-kanilang business -____-
Nagulat ako nung may nagbagsak ng libro sa tapat ko. I blankly stare at the person in front of me who glares at me in return
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Imposible namang nagkataon lang na napadpad sya sa table ko at aksidenteng mabagsak yung librong hawak nya
"Nothing" sabi nya sabay upo sa tapat ko. Imbes na makipagtalo sa kanya, pinili ko nalang na manahimik at hindi na lang sya pansinin
Kaso mukhang hindi nga nya yata ako titigilan. Tinititigan lang nya ako. Ni hindi man lang nya tinitignan yung aklat na dala nya kanina
"What do you want? Nakakaistorbo ka na" honestly, naiirita na ako sa kanya. Pag ako ma zero sa quiz mamaya, kakalbuhin ko talaga sya
"May kasalanan ka pa sakin" nubayan. Hindi ba sya maka move on nung boteng tumama sa mukha nya? Eh hindi naman sya nagkapasa ahh. Ang oa nito -____-
"Pwedeng some other time na lang? Kita mo naman siguro na busy ako" sabay turo sa aklat na tinignan naman nya
"I have a proposition to make" napatingin ako sa kanya. Yung tipong may halong pagtataka
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...