Yanna's POV
Papunta na ako ng airport mag-isa, susunduin ko lang ang gwapo kong kuya. Ngayon na kasi ang uwi niya, at ngayon na rin aalis si Jhino sa bahay. Makakahinga na rin ako ng maluwag. Pa'no ba naman kasi, mahirap iwasan ang isang tao lalo na kapag nakatira lang kayo sa iisang bubong.
I look at my watch. Late na ako. Paniguradong nakabusangot na ang mukha ng kuya ko pagdating ko dun. Ayaw pa naman niyang pinaghihintay siya.
Nakita ko agad si kuya pagkarating ko ng airport. Pinandilatan niya agad ako pero dinedma ko na lang.
"You're late" sabi niya na tinuturo pa talaga ang relo niya.
"Aba hindi ko kasalanan na nagka traffic. Tsaka ganyan talaga ang bungad mo sakin ha. Wala bang 'I miss you baby sister'? Tsk" sabi ko sa kanya with crossed arms. Hindi ba ako na-miss nitong mokong na to? Ngumiti naman siya saka umakbay sakin.
"Eto naman, ang init agad ng ulo. Tell you what, let's have a brother-sister bonding together" ginugulo pa niya ang buhok ko. Sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sa kanya mula sa likod. Narinig ko rin na nabanggit ang pangalan ko kaya tinignan ko kung sino sila at nagulat ako.
"Chris? Ate Mye? Aljay? What are you guys doing here?" tumakbo ako sa kanila at niyakap sila. Mga pinsan ko sila na matagal ko nang hindi nakikita.
"We just got here from States. Actually papunta na sana kami sa inyo kasi may pinadala sa'min ang mommy at daddy niyo. Ba't nga pala kayo nandito?" tanong ni Chris. Maganda siya. Nasa lahi na namin yun ^_^ Shoulder length ang buhok niya na may highlights na kulay blue.
"Sinundo ko lang si kuya. Galing kasi siyang Korea, may inasikaso lang siya dun" tumango naman silang tatlo. Si ate Mye, short for Mylene, ang eldest sa kanilang tatlo. Wavy ang buhok niya na hanggang 3 inches below the shoulder. Si Chris naman ang sumunod. Short for Christine. Ka-age ko lang siya. Ang bunso sa kanila ay si Aljay. Ang nag-iisa nilang prinsipe. He's tall for a 1st year high school student kaya mapagkakamalan mo siyang 4th yr.
"Sis, gusto mo pumunta na lang tayo sa kanila? The more the merrier diba?" tanong sakin ni kuya. Tumango ako.
"Bakit? Ano bang meron?" tanong ni ate Mye.
"Namiss kasi ako ni kuya kaya gusto niya akong makasama" pinandilatan ako ni kuya pero nag peace lang ako sa kanya. Ayaw niya kasing magpaka cheesy sa harap ng ibang tao.
"So magpaparty tayo mamaya? Cool. I'll call my friends to come over" sabi ni Aljay sabay labas ng phone niya.
"Aljay, sibling's party ito at hindi ng barkada" saway sa kanya ni Ate Mye.
"The more the merrier diba? It won't hurt to just call a friend or two" tinignan niya with pleading eyes sina Chris at Ate Mye, pati na rin si kuya. Pero ayaw nilang magpatalo kaya sa akin siya tumingin. "You'll let me enjoy naman Ate Yanna diba? Diba?"
I sighed. "Just let him. I'm sure it's not that bad."
"Yes!! Sabi ko na nga ba at love na love mo ako ate" Sabi niya at niyakap niya ako. Napangiti na lang ako. Ginamit na naman ni Aljay ang tempting powers niya. And it sucks because I always can't say no to that.
"Ang daya mo talaga Jay" reklamo ni kuya. Tumawa na lang si Aljay.
"What? Hindi ko kasalanan na mas mahal ako ni Ate Yanna kesa sa'yo" dinilaan niya pa talaga si kuya.
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...