Nag walk-out na ako pagkatapos nung nangyari. Nakakakulo ng dugo eh. Tinawag na nga nya akong malandi, pinahiya pa ako sa lahat ng mga tao. Nakaka bwiset talaga! Eh kung ipa expell ko na kaya sya.
Hayy. Hindi pa naman ako ganun ka maldita para gawin sa kanya yun. May konsensya pa rin naman ako noh. Mabait naman talaga ako eh, may pagkamaldita nga lang. Isa pa, it's not my fault kung napahiya din sya. Sino bang nauna? Ako ba? Kung tutuusin ako pa nga ang mas naagrabyado, kaya lang lumaban lang ako kaya patas na kami. I always want to be fair that's why ibinabalik ko lahat kung ano yung binigay nila sa'kin
"Huy!" lumingon ako at nakita ko si Jhino sa likod. Sinundan nya pala ako. Ano naman kaya ang kailangan nito? Tsk, walang kwenta pa naman ang lalaking to. Ni hindi man lang ako pinaglaban kanina.
Hindi ko na lang sya papansinin. Siguro lulubayan din nya ako mamaya pag makita nyang wala ako sa mood.
Mabuti pang umuwi na lang ako. Pag ganitong wala ako sa mood, gusto ko ibato lahat ng bagay. Matagal pa naman mawala ang inis ko. Yung tatlo alam na nila yan kaya sa tuwing naiinis ako, hinahayaan na lang nila ako or hindi nila ako kakausapin kasi alam nilang sila ang pagbabalingan ko pag ganon.
"Huy ano ba, tinatawag kita" huminto ako at hinarap ko sya. Sobrang sama ng tingin ko sa kanya.
"Pwede ba lubayan mo nga ako. Naiinis ako ngayon kaya wag na wag mo akong lalapitan. Leave me alone" nag martsa na ako palayo sa kanya. Pero I can still sense na sinusundan nya ako. Na confirm ko lang ito ng bahagya akong tumingin sa likod ko. Tsk, ang kulit nya!
At dahil sa wala naman akong sasakyan (hindi pa kasi ako pinapayagang magdrive mag-isa kahit marunong na naman ako), naglalakad ang peg ko ngayon to God knows where. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Nung tignan ko si Jhino sa likod, nawala na sya. Siguro napagod dahil kanina pa ako lakad ng lakad. Nung medyo kumalma na ako, nag decide na ako na umuwi na lang. Good exercise din to.
Ilang kanto pa ang nilakad ko bago mag sink-in sa utak ko na nawawala na pala ako. Hindi ko na kasi na memorize yung daan since hindi naman ako naka focus dun kanina. Wala din masyadong dumadaan na mga sasakyan. Maski isang taxi wala. Anong problema ng lugar na to? Bakit napaglipasan na ata ng mga sasakyan?
Naisip kong tawagan na lang yung tatlo. Kinapa ko yung bulsa ko pero na realize kong naiwan ko pala ang cellphone ko sa bag ko. Aish, grabi. Walang pakundangang kamalasan ata ang nangyayari sakin.
Makikitawag na nga lang muna ako. Pumunta ako sa may tindahan dahil may grupo dun ng mga kalalakihan. Manghihiram na lang muna ako ng cellphone sa isa sa kanila. May load kaya tong mga to? Bahala na nga.
Mas lumapit pa ako sa kanila dahil hindi ko masyadong naaaninag yung mga mukha nila. Nung medyo nakalapit na ako, nag hesitate pa ako kung itutuloy ko yung plano kong panghihiram ng cellphone. Yung mga mukha kasi nila parang di mapagkakatiwalaan. I'm not insulting them, I'm just stating what's obvious.
Tumalikod na lang ako at naglakad palayo. Marami naman siguro akong makikitang mga taong katiwa-tiwala.
"Miss, mukhang naliligaw ka ata" naku naman, napansin pa nila ako. Kung papansinin ko sila, mas lalo lang silang magpapasikat. Kung hindi naman, magpapasikat pa rin. Aish, ano bang gagawin ko?
Mas pinili ko na lang yung pangalawa. Atleast kahit magpapansin sila edi nakalayo na rin ako pansamantala. Hindi ko na sila pinansin at dire-diretso lang yung lakad ko.
"Aba miss, mukhang hindi mo ata ako narinig ah" muntik na akong mapasigaw nung may lalaking humawak sa balikat ko. Jusko naman, ang puti-puti ng uniform ko eh. Hindi ba nya alam na mahirap maglaba?
Aish, ano ka ba Yanna?! May manyak na lalaki ang humahawak sa'yo tapos yung paglalaba pa talaga ang iniisip mo?
Nababaliw na ako. Asan na ba kasi si Jhino, ba't niya ako iniwan dito? Sabagay, pinaalis ko rin naman sya kaya kasalanan ko rin.
"Huy miss, tulala ka ata jan. Natulala ka ata sa kaguwapuhan ko" sabi ni mamang manyakis sabay pogi sign. Kung may kinakain lang ako ngayon siguro nasuka na ako.
"Yucks, nakakadiri" bulong ko. Bigla nyang hinablot yung braso ko.
"Anong nakakadiri? Sinong nakakadiri ha?" galit na galit yung mga mata nya. Pinalibutan na rin ako ng mga kasama nya. Lima silang lahat.
"W-wala" mas hinigpitan pa nya yung paghawak sa braso ko. Aba lecheng lalaki to ah, kung maka chansing wagas.
"Marunong naman palang magsalita to eh. Nahihiya lang. Akala ko dun lang to magsasalita pag nasarapan na" sabi nung isa nyang kasama sabay ngiti ng nakakaloko. Sa puntong to natatakot na talaga ako. What if reypin nila ako at ipatapon sa Manila Bay o di kaya sa basurahan? What if chop chop-in nila yung katawan ko?
Hinawi nung isa pa nyang kasama ang buhok ko. Inamoy-amoy nya yung batok ko. Hindi ako makapalag kasi hinahawakan pa ako ng mahigpit sa braso ko. Jhino need ko ng help ngayon. Sagipin mo ako please, promise ko magpapakabuting alalay ako sa'yo.
5 minutes at wala pa ring Jhino ang dumating. Kinakabahan ako baka kung anong gawin sa'kin ng mga lalaking to. Wala pa naman masyadong dumadaan dito. Ba't ba kasi ako napadpad dito?
Hinila nila ako kung saan. Pero syempre hindi ako nagpatalo. Nagwawala ako, sumisigaw, kinakagat ko yung mga kamay nila (kahit ang alat. Pwe!), at pinaka the best move ko, sinipa ko yung most precious thing nung lalaking may hawak sa'kin kaya nabitawan nya ako. Whohoo, freedom!!
"P*ta, walanghiyang babae ka . . ." hindi ko na narinig yung iba pa nyang sasabihin dahil tumakbo na ako palayo.
Reminder 101 para sa mga babaeng in need ng rescue: always aim for their most precious thing. Lol xD
Nagpapakasaya ako sa freedom ko nung hindi ko napansin na may nakalapit na pala sa'kin. Hinila nya yung buhok ko. Parang mapupunit na nga yung scalp ko. Sinubukan ko ulit sipain yung mga kasama nya down there pero hinawakan lang nila yung paa ko.
"T*ngin*ng babae ka!!" sinampal nya ako ng pagkalakas-lakas ka. Sa tingin ko eto yung leader nila. Medjo naka recover na rin sya mula dun sa pagsipa ko sa kanya kanina.
Feeling ko namumula na yung pisngi ko. Hawak-hawak nya pa rin ang buhok ko. Syete, sobrang sakit na ng ulo ko, sobra atang naalog. Gusto ko nang umiyak kasi mahapdi na din yung pisngi ko pero pinipigilan ko lang. I won't give them the satisfaction of seeing me hurt.
Just then, pakiramdam ko unti-unting bumibigay yung pagkahawak sa'kin. Napansin ko ring may ilang mga lalaki na rin ang naka handusay sa daan. Bigla na lang akong tinulak. Nawalan ako ng balanse kaya ready to fall na ako. Kaya lang bago ako mahulog, may mga brasong sumalo sa'kin. Tinignan ko kung sino, at nakita ko si Jhino. Yung mga mata niya ay puno ng pag-aalala. Ngumiti ako sa kanya, pero nanlaki yung mata ko nang may biglang sumulpot sa likod niya. Nabasa nya siguro yung reaction ko kaya agad nya akong binitawan at hinarap yung lalaki sa likuran nya. Napatumba nya lahat ng mga lalaki, ni hindi man lang sya nasaktan. Nagkaroon lang sya ng mga konting galos.
Binuhat nya ako. Siguro uuwi na kami. Hinilig ko na lang yung ulo ko sa dibdib nya. I could hear the fast beating of his heart. Maya-maya pa ay nakatulog na ako.
**
Nagising ako sa room ko. Napansin ata ni Jhino na gising na ako kaya agad syang lumapit sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung sa'n sya nanggaling.
"Kainin mo to" sinubuan nya ako ng lugaw. Nakita ko rin yung mga band-aid sa kamay nya. Siguro hindi nya alam kung pa'no magluto pero ginawa pa rin nya. Na-appreciate ko talaga yun
"Salamat" I smiled at him. Nag smile din naman sya pabalik. Sapat na yun para malaman kong hinding-hindi nya ako pababayaan
Sometimes, bad things in life open up your eyes to the good things you weren't paying attention to before. I guess Jhino isn't that bad after all :))
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...