Yanna's POV
Kinakabahan na ako. Ngayon na kasi ang Mr. and Ms. Campus 2015. Nag decide kami na kahit kakagaling ko lang ma-kidnap, sasali pa rin ako sa pageant na to. Ano na lang iisipin ng mga classmates ko kapag nag back-out ako? Naniniwala sila sakin at ayokong biguin sila kaya no matter what sasali at sasali pa din ako.
"Are you nervous?" tanong sakin ni Jhino.
"Oo eh. Halata ba?"
"Magtatanong ba ako kung hindi?" umandar na naman ang pagka masungit niya. Inilibot ko na lang ang paningin ko. Nandito kami ngayon sa backstage at nagpeprepare para sa pageant. Nandito na rin lahat ng contestants.
May babaeng dumaan sa harap ko. Napatigil siya nung nakita niya ako pero binawi rin naman niya ang pagkabigla at binigyan ako ng nang-uuyam na mga ngiti.
"Well, look who's here. I didn't expect na kasali ka pala sa contest na to. Knowing your looks and your dress preference, hindi ka bagay dito" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nainis naman ako pero wala akong ginawa. Ayokong mag-iskandalo. Tsaka may point rin naman siya. Maganda siya tapos fashionista pa. Kabog ang beauty ko :
"Cut it out Janine" sabi ni Jhino. Tinignan ko siya with a questioning look.
"Kilala mo siya?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya pero hindi nagsalita.
"Oh, where is my manners. I believe we haven't had a proper introduction. Well I'm Janine Montreal. It's SO not nice to meet you" hindi niya inilahad ang kamay niya. At wala rin akong planong makipag shake hands sa kanya. So Janine pala ang pangalan niya. Yung babaeng tinawag akong malandi at pinatid ako sa canteen.
"The feeling is mutual. It's SO not nice meeting you, too" I gave her a smirk. Mukhang nainis naman siya.
"Well I gotta go. I have to prepare and Yanna, I hope di ka madapa katulad nung nangyari sa canteen" she grinned and then left. Ano bang problema nung babaeng yun sakin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya ah.
"Ba't ba ang init ng dugo sakin ng babaeng yun eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya?" tanong ko kay Jhino. He just shrugged tapos umalis. Problema niya? Aish nakakainis.
"Oh ba't para kang nabuhusan ng suka jan?" tanong ni Madelle. Pumasok pala silang lahat dito sa backstage.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Kakamustahin ka lang sana namin pero mukhang may LQ ata kayo ni Jhino" sinamaan ko lang ng tingin si AJ
"Mamaya niyo na nga intindihin yang lovey-dovey niyo ni Jhino. Mag focus kayo sa contest" huminga ako ng malalim. Tama ang sinabi ni Shin. Kailangan kong mag focus.
May dumating na teacher at sinabing magsisimula na ang contest in 5 minutes. Kabado ako hindi lang dahil sa hindi ako sanay sa mga ganito, kundi dahil na rin sa hindi pa bumabalik si Jhino.
"Don't worry. Babalik din yun. Hindi yun papayag na mapahiya ka" pag aassure sakin ni Arwin. Sana nga.
Mayamaya pa bumalik na din siya. Nakahinga ako ng maluwag. Atleast gumaan ang loob ko dahil may karamay ako ngayon.
Introductions muna ang gagawin namin. Lumakad na si Janine papunta sa gitna. Mas nauna kasi siya kesa sakin.
"A pleasant evening to all gorgeous ladies and handsome gentlemen out there. I'm Janine Montreal, 16 years young, fourth year section B. And I believe in the saying 'Once a bitch, always a bitch'" tumalikod na siya sabay lakad na pang model. One word. WOW! She really nailed it. Ang galing-galing niya. Papalakpak na sana ako kung hindi lang siya tumingin sa direksiyon ko na parang nanghahamon. Tsk!
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...