Chapter 21 _The Dream_

10 0 0
                                    

Yanna's POV




"Bakit hindi mo magawa yung isang bagay na pinangako mo sakin? Yun lang ba yun? Words of promises? Meaningless words?" napahagulhol na ko. Ang sakit lang kasi. Sobrang sakit.



"Don't you understand? I'm moving away. There's no reason para manatili pa tayong ganito" sabi niya sakin. I kept my gaze at him. Alam kong naguguluhan lang siya. Alam kong mahal na mahal niya ko.



"That's not enough reason. I can visit you all the time. I can even tell my parents that I can go with you" di bale nang magmukha akong desperada. I really love him, I can't afford to lose him.



Ginulo niya ang buhok niya, which is ginagawa lang niya pag naiinis siya. He sighed tapos hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. I look down, not wanting to meet his gaze. Hindi ko gustong isampal niya sakin ang katotohanang aalis talaga siya.




"Look at me" sabi niya sakin. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko. I looked into his eyes. I saw pain, frustration, and hesitation there. But I also saw one thing. Finality. Nakapag decide na siya.




"Will it help if I tell you that I really didn't love you at all?" for a moment tinitigan ko lang siya, not being able to understand a word he just said




"What?" I said dumbly. He sighed tapos inulit niya yung sinabi niya. More slowly and with emphasis.




"I … SAID … I … DIDN'T … REALLY … LOVE … YOU … AT … ALL"




Biglang nanlambot ang tuhod ko, but he caught me in his arms. I just wish he didn't do that.




"You're lying"  I told him. Paanong hindi niya ko mahal? We're together for almost a year. Unless . . .




"Nagsasawa na ko sayo" my suspicions are proved nung sinabi niya sakin yun. Humagulhol na talaga ako. Wala akong pakialam sa mga taong makakakita sakin ngayon. All I care about is this pain that is slowly killing me from the inside. Hindi ko siya magawang tignan. It just hurts so much.




Maya-maya may naramdaman akong mga kamay na inaalalayan ako patayo. I don't have the strength to drive him away so I just let him. One last shot. Kailangan kong mapatunayan na hindi nga siya nagsisinungaling. Kahit masakit at paulit-ulit niyang isampal sakin ang mga masasakit na salita niya, wala na akong pakialam. Nasaktan na nga ako diba. Lulubus-lubusin ko na.





"It's not true, is it? Sinasabi mo lang yan kasi hindi ko matanggap ang pag-alis mo. Oo na, tatanggapin ko na. Aalis ka for good. But please don't do this to me" he bowed his head. Nagdadalawang-isip na ba siya? Babawiin na ba niya yung sinasabi niya? Just as hope filled my whole being, may babaeng biglang lumitaw sa likod niya at hinalikan ang pisngi niya. I was too shocked para umangal. Ngumiti naman siya at inikot niya ang kamay niya sa bewang nung babae.




"This is my girlfriend by the way. Janine Montreal" the girl smirked at me while I gaped at them.




"G-girl ... f-friend?"



"Yes, dear. Do me a favor. Leave my boyfriend alone. Malapit na kasi ang flight namin. And I don't want to miss it over his pathetic ex-girlfriend"




Tumakbo ako paalis. Palayo sa mga nagchichismisang mga tao. Palayo sa mga taong nanakit sakin. Palayo sa kanya. I ran away not because of what that girl had said. It's just too much. My heart can't take all the pain anymore.




I hurried to my car and was speeding down the road. Wala naman masyadong mga sasakyan ngayon since gabi naman. I can hardly see because of the tears stinging in my eyes. Pinahiran ko yung luha ko gamit yung sleeve ng damit ko. Sapat na distraction na yun para hindi ko mapansin ang isang sasakyan coming from my right side. Nagawa kong maiwasan ang pagkakabangga ko sa sasakyan na yun but I lost control. Nabangga ako sa isang puno and everything went blank.




'Yanna'



May tumatawag sakin. Nasa langit na ba ako?




'Yanna'




Eh ba't ang dilim? Akala ko ba sobrang liwanag sa langit.





I felt a tug on my shoulders at napabalikwas ako ng bangon. Nandun si kuya sa kama ko. He was shaking me so hard para magising ako. At nung nakita niya na gising na ko, he hug me so tight.



"Ba't ka nandito kuya?" I ask him. Hindi niya pa rin ako binibitawan sa pagkakayakap niya.




"You were screaming at the top of your lungs. Ginigising kita for almost half an hour pero ayaw mong gumising. I was going to call mom and dad pero ayokong iwan ka dito ng mag-isa" sabi niya sakin habang chinecheck yung mga braso ko.




"I'm fine kuya" sabi ko sa kanya pero tinignan niya lang ako ng masama.




"Yan ba yung definition mo ng fine? Yung mugto ang mata sa kakaiyak?" kinapa ko ang pisnge ko. Basa nga siya.



"Kuya, by any chance, naaksidente na ba ako?" nagulat siya sa tanong ko. Pero agad din niyang binawi ang reaction niya.




"Of course. Nadapa ka, nahulog ka sa swing. Gusto mo isa-isahin ko pa?" sabi niya pero alam kong natetense na siya. Ba't ayaw niya sabihin sakin yung totoo? Alam ko na naman eh.



"I mean, car accident" at that namutla na si kuya. Ugh! Naiinis ako kasi tinatago niya pa rin sakin. Wala ni isa ang nakapagsabi sakin ng ganito simula ng magising ako sa comatose at mawalan ng alaala.




He sighed. "I'll tell you everything in the morning. For now, you need some rest. Madaling-araw pa." Hinalikan niya muna ako sa noo bago naglakad palabas.




"Kuya?" tawag ko sa kanya nung nasa may pinto na siya.





"Bakit?"





"You don't need to tell me. I already know" nagulat siya at mukhang nag-aalala pa pero ngumiti ako para mapanatag siya. Ngumiti din naman siya saka lumabas.






I don't know how long I lie there awake. All I know is that before I went to sleep, there's only one person in my mind. The one who hurt me and cheated on me.





Kimbert Mendoza

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon