Yanna' s POV
Umalis saglit yung leader nila dahil may kausap sa phone. Siguro yung nagpakidnap sakin dito.
"Ang ganda mo talaga miss, ang kinis pa. Ayos na ayos" hinaplos nung isa yung balat ko. Kanina ko pa gusto umiyak pero pinipigilan ko lang. Ayoko kasing ipakita na natatakot ako kahit ang totoo ay gustong-gusto ko ng umiyak at magtatakbo.
Napangiwi ako nang dumaplis ang kamay niya sa leeg ko. Natatakot na talaga ako baka kung anong gawin nila sakin. Hindi nga ako sigurado kung pagkatapos ng tatlong araw ay palalayain na lang nila ako o papatayin. Hindi kasi pwedeng basta-basta nalang nila akong palayain kasi nakita ko na ang mga mukha nila. Ibig sabihin sa simula pa lang wala na talaga silang plano na palabasin ako dito ng buhay.
Napaka swerte ko naman ata para sapitin ko ang ganitong sitwasyon. Pag ako nakalabas dito magpapaparty talaga ako.
Mayamaya may nakita akong movement sa isang sulok. Madilim ang part na yun kaya hindi ko masyadong maaninag kung ano yung mga gumagalaw kaya hindi ko na lang pinansin. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa lalaking ngayon ay nasa tapat ko at tinitignan ako ng may pagnanasa. Bakit ba ang manyak ng lalaking ito? Mas gugustuhin ko na lang na makasama yung brutal na leader nila kesa sa manyak na to.
"Miss beautiful, jan ka lang ha. Kukuha lang ako ng beer para masaya" sabi niya sakin sabay wink. Napangiwi ako. Mas natatakot ako sa kung anong posibleng mangyari sakin kapag nalasing ang manyak na yun.
Napatingin uli ako dun sa may sulok kasi pakiramdam ko may nakatingin sakin mula doon. Kahit anong titig ang gawin ko hindi ko pa rin maaninag kung anong nandun. Nakatapat kasi ako sa ilaw tapos yung side na yun ay madilim na madilim talaga.
Mula sa sulok na yun biglang lumabas ang lalaking hindi ko inaasahan na nandito. Nanlaki ang mga mata ko at medyo napaawang ang bibig. Anong ginagawa nila dito?
Lumapit si Jhino sakin at kinalas ang nakatali kong mga kamay at paa. I gave him a questioning look.
"Paanong--?"
"Sssh, mamaya ko na ipapaliwanag. Right now we need to get out of here"
Inalalayan niya ako at pumunta na kami kung nasan sina Arwin, Kyle at Shin.
"Ayos ka lang? Sinaktan ka ba nila?" tanong sakin ni Shin. Umiling lang ako.
May narinig kaming ingay na papalapit kaya dali-dali kaming nagtago.
"Paano nakatakas ang babae? Hanapin niyo siya dali. Sigurado akong hindi pa nakakalayo yun" naghiwa-hiwalay na ang mga lalaki at nagsimula akong hanapin. Nagtatago pa rin kami sa may madilim na parte. May konting space kasi dito na pwedeng pagtaguan.
"Kailangan na nating makalabas. Delikado tayo dito" bulong ni Arwin
"Mas delikado kung lalabas tayo ngayon. Pa'no kung makita nila tayo? Edi lahat tayo napahamak" sagot ko sa kanya.
"I'll be the decoy" napatingin ako ay Jhino na seryosong nakatingin sakin. Seryoso ba siya?
"Nasisiraan ka na ba? Eh pa'no kung mapahamak ka?"
"Mas mabuti nang mag-isa ako kesa naman lahat tayo ay mapahamak. Tsaka once na makalabas kayo, humingi kayo ng tulong agad para makalabas ako. In that way maliligtas tayong lahat"
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomantizmIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...