Chapter 9 _Kimbert_

22 2 0
                                    

Yanna's POV

5 a.m pa lang pero bumangon na ako. Hindi na rin naman ako makatulog. Well actually, hindi ako nakatulog. Isipin ko pa lang na kaming dalawa lang ni Jhino ang nandito sa bahay parang nagwawala na ang sistema ko. Wag kayo, hindi ako kinikilig. Sadyang hindi lang talaga ako mapakali.



Nagpamusic muna ako saka pumunta sa kusina para magluto. Nagluto ako ng bacon, eggs, tsaka fried rice. Talagang pinanindigan ko talaga na magiging mabuting alalay ako kay Jhino noh? =___=



Nang matapos na akong magluto ay nagtimpla muna ako ng gatas at nilagay lang sa mesa. Mamaya ko na lang muna to iinumin pagkatapos kong maligo.


Umakyat na ako sa kwarto ko at tinignan ko muna yung cellphone ko. Wala ni isang text. Okay, walang nagmamahal sa'kin =____=



Mabilis lang akong natapos kaya bumaba na ako. Nakita ko si Jhino sa hapag-kainan at kumakain. Ni hindi man lang ako napansin. Ang takaw -___-



Pumunta na lang ako sa kusina para kunin yung gatas ko pero di ko makita. Teka, asan na ba yun? Ang alam ko dito ko lang yun iniwan ahh.


"Jhino, nakita mo ba yung--"


Humarap siya sa'kin na may iniinom. "Hmm?"


"Wala, nevermind" inirapan ko na lang siya. Kaya pala hindi ko makita yung gatas ko kasi iniinom na pala niya. Ba't kasi di nalang magtimpla nang sa kanya, nangunguha pa kasi eh


Nagtimpla na lang ako ng bago at umupo sa harap niya. Siya naman subo ng subo. Wala atang plano na tirhan ako kahit konti.



"Himala ata maaga kang nagising ngayon" tinaasan ko lang siya ng kilay


"Hindi kasi ako makatulog" now it's his turn para tumaas ang kilay



"Bakit?" I just shrugged.




"Wala lang". There's no way na aamin ako na dahil yun sa kanya.


"Talaga?" nilapit nya yung mukha niya sa'kin at tinignan ako ng nakakaloko tapos nag smirk siya bigla



"Wala nga" sabi ko sa kanya at tinulak yung mukha niya palayo sa'kin. Masyado kasi syang malapit.


"Sabi mo eh" kumain na siya ulit pero hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nya. Ano kayang iniisip ng taong to?




Mayamaya pa papunta na kami sa school. Nag decide kasi ako na pumasok na. Hindi na naman masyadong visible yung mga pasa ko kaya ayos na rin yun. Pero mahahalata pa rin sya kapag tinitigan mong mabuti.



Nang makapagpark na siya, sinalubong naman kami nina Chrisha, Shin, Madelle, Kyle, at Arwin. Anyari? Ba't magkakasama ata sila ngayon?



"Oh? Close na kayong lahat?" sabi ko sa kanila. Binalewala nila Chrisha at Madelle yung tanong ko at pumunta sa'kin habang kinikilatis ng mabuti ang katawan ko.


"We heard about what happened. Are you okay?" -- Chrisha



"Ayos ka lang? Wala bang masakit sa'yo?" -- Madelle




"Girls, girls, I'm fine. Walang masakit sa'kin. Besides andun naman si Jhino kaya no worries" I reassure them para di na sila mag-alala. Pero alam nyo kung anong sinukli nila? Binigyan nila ako ng nakakalokong ngiti. Binatukan ko nga isa-isa.


"Ouch naman. Yung brain cells ko baka maalog"-- Madelle



"Wow ha, nahiya naman ako sa brain cells mo. Teka nga, nasa'n ba si AJ?"



Till Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon