Yanna's POV
Malapit nang mag 7:30 ng umaga pero andito pa rin ako sa kama, nag dedebate ang utak ko kung papasok ba ako o hindi pagkatapos nung kahiya-hiyang pangyayari kagabi.
*FLASHBACK*
He was still kissing me when I heard the shouts of the audience.
'Get a room!!'
'Mamaya nyo na ituloy yan'
Natauhan ako bigla kaya lumayo ako sa kanya. Bahagya ko pa nga siyang natulak. Napatingin ako sa gawi kung nasa'n ang mga classmates namin pati na rin yung anim. Nakangiti sila ng nakakaloko. Feeling ko talaga simpula na ako ng apple ngayon. NAKAKAHIYA!!
Hindi ko magawang ngumiti sa audience. Imbes na nakangiti kasi ako, nagmumukha akong nakangiwi. Kaya poker face na lang -_______-
Tiniis ko ang mag chin up sa harap ng madaming mga tao pagkatapos akong halikan ng mokong na katabi ko ngayon. Laking pasasalamat ko na lang at tapos na. Pagkarating ko sa backstage, dali-dali kong niligpit yung mga gamit ko. Mahirap na baka tuksuhin nila ako. At baka kung ano na naman ang sabihin ni Janine sakin. Lumabas na ako at kinailangan pang maghintay ng taxi para makauwi.
May huminto naman na kotse sa harap ko. It was Kimbert. Pinapasakay niya ako. I hesitated at first pero nung narinig ko si Jhino na hinahanap ako, dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse niya.
*END OF FLASHBACK*
At ngayon, nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ako o hindi. Ayoko pa kasing harapin lahat ng tao sa skwelahan, at mas lalong ayokong harapin si Jhino. Kahit pa nakatira kami sa iisang bubong.
Napabangon ako ng wala sa oras nang maisip ko yun. Nakatira nga pala kami ni Jhino sa iisang bahay. Pero bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin ako kinakatok? Hindi rin niya ako inistorbo kagabi. Dapat nga kanina pa siguro wasak ang pinto kasi nga late na late na talaga ako. Pero wala eh, no signs of Jhino ever existing in this house.
Pero bakit ba ako nagtatanong? Mas mabuti na nga yun para makaiwas ako sa kanya. Ngayon ang problema ko na lang ay kung lalabas ako ng kwarto o hindi. Hindi ko kasi alam kung pumasok ba siya o hindi. Bigla namang tumunog yung phone ko. Binasa ko ang text ni AJ saying wala daw kaming pasok ngayon. The more reason para matuwa ako.
Binasa ko na rin ang ibang mga texts simula kagabi. Hindi na kasi ako nag-abalang tignan ang cellphone ko kagabi. Nangunguna sa inbox ko ang message nung anim -_____-
Madelle:
Ang sweet niyo. Basta wag niyo akong kalimutan, ninang ako ha^^
AJ:
HOY! Ano yung palabas niyo ha? Grabeng pasabog yun, pati utak ng mga nanonood sumabog. Lumalablayp ka na talaga. Basta, eto tandaan mo. WALANG FOREVER!!
Chrisha:
Eeeiii, besty, kinikilig ako.....!!!!! Magkwento ka sa'min ha
Shin:
Kayo na ng kapatid ko? Ba't ang bilis ata? Siguro ikaw nanligaw noh? Hahahahahaha xD
Arwin:
Naks, ang tindi nung halik niyo ah. Parang nanonood lang ako ng sine.
Kyle:
Yow, anong lasa? xD
BINABASA MO ANG
Till Forever Ends
RomanceIleana Louise a.k.a. Yanna is your typical high school student. Hindi siya nerd, but the one thing that is unique about her is that she never believed in the sparks of love. She's not the romantic type of a girl. But what if a certain Jhino Valdez e...