"Eri..!"then i call the guardian of Jumon's name again and this time much louder."ERIIII...!!!"dumagundong na ang boses ko sa unit ko pero walang Eri na nagpapakita sa akin.
Ano ba ang pinagkakaabalahan ng dyosa na yun at hindi niya man lang ako marinig? O baka naman nagbibingibingihan?? Ah ewan! Kailangan niyang magpaliwanag sa akin kung ano ang nangyari kay Kimiko ko at hindi niya ako naaalala!
Frustrated na nasabunutan ko ang buhok ko at pabagsak na nahiga sa kama ko. Nakakainis. I felt so weak. Samantalang dati ay alam ko lahat samantalang ngayon ay para akong nangngapa sa dilim.Kailangan kong makausap si Eri.My lips were in thin line.
Pero sa ngayon kailangan kong suyuin si Kimiko.She use to be inlove with me before..i sigh.I will make her fall in love with me now then.
Bumangon na ako at umalis na papunta sa academy.
"What's with the look?"nakita ko si Miyata at Yumi na magkasama..both in their school uniform.Ang mama ni Yumi ang nag-aalaga kay Tama at minsan naman ay si Maru o kaya naman ay so Toru.
Hindi ko napansin na nakasimangot ako.
"Kimiko doesn't remember me Yumi.."i answered.
"What?? Buhay din si Kimiko?"bulalas ni Yumi tumango naman ako."May amnesia?"
"Nanakaw ba ang memorya niya?"Miyata.
"Hindi..oo..ah ewan! "hindi ko kasi talaga alam ang nangyari sa kanya.
"Ang gulo mo naman kausap Ketsuya."napakamot sa ulo si Yumi habang si Miyata naman ay nakamata lang sa akin.
"I don't know what happen to her back then..aalamin ko pa kay Eri..pero ang dyosa na yun missing in action..tss.."
"Ipagpatuloy mo lang yan.."tinapik ako ni Miyata sa balikat.
"Goodluck..we have to go..male-late na kami.."paalam ni Yumi then she wave at me.Itinaas ko na lang ang kanan kong kamay.
Ako din..
Male-late na ako sa klase ko..
********
Napuyat ako sa pamomovie marathon..na-tripan ko lang..wala naman kasi akong kasama sa bahay..nasa abroad kasi sina mama..doon sila nag-i-stay..ayoko dun ewan ko ba mas gusto ko dito.Only child ako.
Muntik na naman akong ma-late..nakakainis ang tanghali ko na nga gumising ang bagal ko pang kumilos..lagi tuloy akong nagmamadali..hayzz..
Nang bigla na lang..
"A-ray! Pambihira masakit yon! Sino ang may gawa noon ha?!"mabilis akong tumayo sa pagkakasalampak at nakapamaywang.Nakatingin ako sa bola na gumulong.
"Ang bola ang may gawa noon hindi ba obvious?"
Nakangising mukha ng captain ng basketball team sa Sonobella ang nagsalita at pinulot ang bola.Ayoko sa kanya mayabang siya at hindi lihim iyon sa buong academy.
"Nakasakit ka na nga nakakangisi ka pa..alam mo ba ang yabang mo umasta ha?!Akala mo ba gwapo ka na nyan sa jersey mo na yan ha?Pwes..Akala mo lang yun! Puro hangin ka lang naman kagaya nyang bolang hawak mo!"
Biglang nagsalubong ang kilay niya.
"Aba't ang arte mo ha bakit akala mo ba maganda ka ha?!"inis na sabi sa akin nung captain ball.
"Oo maganda ako!"chin up chest out!"Ikaw pangit ka! Pangit!"
"Inuubos mo ang pasensya ko ha~~~
"Tama na yan Kobe.."
TUG.TUG.TUGZZZZZ.
Para akong nabingi at boses niya lang ang tangi kong nadidinig..Boses ni Quinn..ang hearthrob,ace player at ultimate crush ko sa Sonobella simula nung first year ako at ngayon ay fourth year na ako.Mahaba yung buhok niya na brown at nakaipit pataas sa likod..ang cool niya..Ang biceps namumutok.Singkit ang mata niya at chinito..ipinilig ko ang ulo ko nang may silver na mata na sumasagi sa isipan ko.May tuwalya na nakasabit sa leeg niya at may hawak siyang mineral water.tumutulo ung pawis niya pero ang tingin ko pa din sa kanya ay fresh na fresh kaloka! At grabe boses pa lang niya kinikilig na ako.Crush na crush ko talaga si Quinn pero hindi tulad ng ibang babae na kapag crush ay nagpapapansin.Hanggang tingin lang ako sa kanya,lihim at simpleng pag-stalk.Nahihiya kasi ako sa kanya..oo tinatablan ako noon at sa kanya lang ha take note!
BINABASA MO ANG
Muryou:The Witch Memories[Complete]
Adventure[Side Story of Muryou]What if Ketsuya had given a second life? Would he choose to live or die?