Nagising ako sa hagikhik ng anak ni Miyata at Yumi.Naglalaro siguro.
Mabuti naman at wala akong nararamdamang hang over ngayon inaasahan ko na din naman iyon at hindi naman ako nagpakalasing.Mananatili daw ng isang linggo ang ilan sa mandirigma ng Libre dito sa mundo ng mortal..pero ang iba ay kailangan ng bumalik at walang magbabantay sa palasyo.Si Ken,Shin at Shugen ay maiiwan.Akala ko nga ay maiiwan din si Kira pero mukhang atat umuwi sa Libre.Siguro ay dahil sa babae..napangisi ako sa naisip ko.
Kinapa ko ang tabihan ko..wala na si Kimiko sa tabi ko.Nasaan kaya yun?
Nagmulat ako ng mata..sa panlalaki ng mata ko ay nakita ko si baby Tama na nakalutang sa ere napapalibutan ng hangin at may hawak na laruan.
"SHIN!!"
Agad namang dumungaw si Shin sa pintuan ng guest room na nakalutang din.
"Pambihira hindi ka ba nag-iisip bakit pinalipad mo yung bata!"
"Umiiyak kanina e..may session yata yung mag-asawa pabayaan ba naman yung bata nilaro ko lang at ng tumahan tingnan mo at tuwang-tuwa."
"Tss..ibaba mo na yan baka mawala ka sa huwisyo ay malaglag pa yang bata saka bumaba-baba ka nga at wag mong maipakita kay Kimiko ang kapangyarihan mo at baka himatayin yun ng wala sa oras!"
"Oo na..oo na..tss.."bubulong-bulong na sabi niya.
Sinunod naman niya ang sinabi ko.Ibinaba niya si Tama sa kama at padapa naman siyang pumwesto sa kama habang nakahalumbabang pinagmamasdan ang bata.
"Ano kaya ang kakayahan ng batang ito..siguradong malakas ito paglaki.."mataman na tinititigan ni Shin si Tama.
Iniisip ko nga din ang bagay na yun..ano nga kaya ang ability niya?
"Sinong gwapo ha baby?"tanong bigla ni Shin kay Tama.
"P~apa.."bahagyang nagdikit ang kilay ni Shin.
"No baby..again..sinong gwapo?"
"Papa.."tuluyan ng nanghaba ang nguso ni Shin.
"Aish! Hindi yun ang itinuro ko sa'yo..Shin..Shin..Shin.."
"Papa.."
"Tss! Manang-mana ka sa ama mo kontrabida!"
Hindi ko napigilan na mapahagalpak ng tawa..
"Nakita mo na pati bata ayaw pumayag sa mga kalokohan mo."natatawa ko pa ding sabi.
"Magkakamag-anak nga kayo..magkakamag-anak ng kontrabida!"ang sarap asarin ng loko hindi na maipinta sa pagkakasimangot ang mukha.
"Maiwan na nga muna kita dyan..bantayan mong maigi yan at baka samain ka kay Miyata kapag nagalusan yan."
"Ako pa ang sasamain!? Pasalamat nga siya at inalagaan ko ang anak niya! Puro kalibugan kasi ang inaatupag!"
Napatawa na naman ako habang napapailing.
"Sige dyan ka muna.."hahanapin ko pa si Kimiko ko.
Iniwan ko na sina Shin at Tama.Hinanap ko si Kimiko sa kabahayan pero hindi ko siya makita..umuwi na kaya yun?Lumabas ako ng bahay.
Nang madinig ko ang boses ng hinahanap ko sa may parteng garahe na nagsasalita? Nagsasalita mag-isa? Wala naman kasi akong nadidinig na kausap niya.
Nakalabas na ako ng garahe.Nakita ko siya na may hawak na cellphone.So may kausap pala siya sa telepono.
Lalapit sana ako pero natigil ako sa paglapit nung madinig ko ang sinabi niya.
"A date? Sige Quinn magkita tayo..hintayin mo ako ha!"masigla ang boses na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Muryou:The Witch Memories[Complete]
Adventure[Side Story of Muryou]What if Ketsuya had given a second life? Would he choose to live or die?