For pete sake! Pati ba naman ang bahay ko na-invade na ng Ketsuya na yun! Kung hindi ko lang kailangang maging mabait sa kanya ay sinipa ko nasiya palabas ng bahay ko! Biruin nyo naman pati sa kwarto ko feel at home siya! Sino ba naman ang hindi magugulat na magigising ka tapos makikita mo sa mismong kwarto mo ang pinaka-kahulihulihang tao na inaasahan mong makita! Tss!
Naiinis na bumaba ako sa kwarto ko.Tamang nadinig ko na din na kumakalam ang sikmura ko.I am damn hungry.
Nasa ikahuli na akong baitang ng hagdanan nang makadinig ako ng hagikhik? Kay Ketsuya ba yun? Teka bakit ganun?? Nangunot ang noo ko at napailing..hindi..kailan pa lumiit ang boses niya?
Nah..hindi yun kanya..
Hindi kaya..
Baka naman sa kaibigan niya na mangkukulam?? Bigla akong kinilabutan at napaikot ang paningin sa paligid. Baka nandito lang yun sa tabi-tabi at hindi ko nakikita! Nang muntik na akong mapalundag sa gulat nang may muling humagikhik..
That someone keep on chuckling..My forehead frown even more..Why do that chuckle sound so sweet and innocent to my ears? Ganoon ba talaga ang tawa ng witch? Parang may mali..Aish! Ewan! Hindi ko malalaman kung hindi ko makikita hindi ba? Paano ko naman makikita kung ayaw magpakita? E di subukan hindi ba?
Hindi ko napigilan ang kyuryusidad ko..malapit lang ang nadidinig ko..sa salas ng bahay ko nadidinig ang maliit na tawa na yun.I walk in a tiptoed way para hindi ako madinig ng kung sinuman yun na papalapit para hindi makapagtago!
Here i am at the living room..
GOT...CHA??
I stop on my track at natigilan..
A baby?? Infant? Sanggol? Name it..!
Kung ganoon baby pala ang natawa na yun! Tuwang-tuwa itong humahagikhik habang nakikipaglaro sa alaga kong chihuahua.I bought it para naman may kasama ako dito sa bahay.Iwinawagayway nung baby ang kamay niya habang nakasakay sa stroller.Buti na lamang at mabait at trained ang aso ko at hindi siya kinakagat.Hindi lang basta baby kundi isang cute na baby ang nandito sa bahay ko..
But bakit may baby sa bahay ko?! Oh..si Ketsuya!
"Kimiko sweetie..oh..you meet Tama already.."
"Tama..?this baby?"
"Yeah."
" Anak mo ba ang batang 'to?"pero ang alam ko wala pa siyang asawa kaya paano siya magkakaanak?
Nangunot ang noo niya pagkaano ay biglang humalakhak.
Anak niya nga siguro ang batang ito at dinadaan niya lang ako sa tawa! Kahit naman kasi wala siyang asawa ay maari siyang magkaanak!
"Aha! May anak ka pala sa pagkabinata pero ang lakas ng loob mong manligaw!"
Lalo naman siyang bumunghalit ng tawa na hawak pa niya ang tyan niya kaya lalong nakakapikon.
"Anong nakakatawa?!"i gave him a warning look.He then shut his mouth pero pinipigilan pa din ang pagtawa.Ganyan tumigil ka nga dahil malapit na akong sumabog dito! Kinokontrol ko pa ang temper ko ng lagay na to ha.
"Hindi ko siya anak..he is my half brother's son..nagprisinta akong alagaan ngayong week end e wala naman akong mapag-iiwanan kaya isinama ko na lang dito."he smile and walk close to me.Bumaba ang mukha niya at itinapat ang bibig sa tenga ko.Bahagya nga akong napaatras pero hindi sapat para makalayo sa kanya.I can smell his manly scent..its so hella intoxicating..
Being near with him awaken many unfamiliar feelings i hadn't felt before..and it sucks.
So hindi naman pala niya anak ang batang ito.Bakit parang nakahinga ako ng maluwag?
BINABASA MO ANG
Muryou:The Witch Memories[Complete]
Adventure[Side Story of Muryou]What if Ketsuya had given a second life? Would he choose to live or die?