Chapter 6~I Miss

332 14 0
                                    

I have no choice but to be nice to that witch.Ketsuya is such a pain in my neck! Hindi tuloy maipinta sa pagkakabusangot ang mukha ko..sasamantalahin ko ng sumimangot ngayon dahil kapag kaharap ko na ang mangkukulam na yun ay kailangan ko ng ngumiti..take note pekeng ngiti!

Pero hindi pa man ay agad na napawi ang pagkakasimangot ko nung makita ko si Quinn lalo na nung binati niya ako.

"Hi Kim.."

"Oh hi Quinn.."tunog palang ng pangalan namin bagay na bagay na gosh!

"May kasabay ka ba na kumain mamaya?"

May kasabay ba ako? Wala..wala naman akong kasabay lagi..

Sasabihin ko na sana na wala nung maalala ko si Ketsuya baka bigla na lang sumulpot ang buhong na yun habang magkasama kami ni Quinn.Mabilis kong pinagana ang isip ko.

"Eh..diet ako eh..mag-snacks lang kasi ako mamaya.."

"Ganoon ba.."nanghihinayang na sabi sa akin ni Quinn..Damn Ketsuya! Sayang talaga! 

Suddenly a bright idea come up into my mind!

"Ahm..pwede naman ako sa hapon paglabas..yun eh kung gusto mo pa ako yayain.."pkyeme kong sabi.

"After classes then.."malapad na ngumiti sa akin si Quinn.

Yes! We will have a date! Oo date yun para sa akin! Gusto ko na tuloy hilahin ang maghapon para makasama na siya.

Sumapit ang lunch at hindi nga ako nagkamali! Paglabas ko ng classroom ko kasunod ko na si Ketsuya my devil classmate.

"Sabay tayong kumain ha Kimiko ko.."he smile at me..hindi niya ba alam na gustong-gusto kong alisin ang nakakaasar niyang ngiti?!

Nakatanga siya sa akin at naghihintay ng sagot ko.

"Sige.."nakangiti kong sabi..pero deep inside nakangiwi ako!

"Yes!"parang tumama sa lotto na sabi niya may pagsuntok pa sa ere..bakit parang gusto kong matawa sa hitsura niya para kasi siyang bata..

Naglalakad na kami papunta sa canteen nung maalala ko na baka nandoon si Quinn sinabi ko pa naman sa kanya na on diet ako..naku naman..hindi yun maaari..masisira kaagad ang image ko sa kanya baka sabihin naman niya ang sinungaling ko!

"Wag na tayo sa canteen.."

Nangunot naman ang noo ni Ketsuya.

"Hindi ba at kakain tayo?"

"Doon na lang tayo sa likod ng classroom dun sa bench sa ilalim ng malaking puno..ibili mo na lang ako ng pagkain.."

"Ganun ba..okay sige.."nawala naman ang pagkakakunot ng noo niya at ngiting-ngiti na.

Problema niya feeling niya gustong-gusto ko siyang kasabay?! Dream on!

Mabilis naman siyang nakabili ng pagkain.May table naman yung bench sa likod ng classroom.Dito sigurado hindi kami makikita ni Quinn.

"Kain na tayo..gutom na ako.."sabi ko..kumakalam na nga ang tyan ko.

Tumabi naman siya sa akin.Kung hindi lang kay Quinn itinulak ko 'to sa upuan eh..

Patapos na kaming kumain nang maramdaman ko na lalo niyang idinikit ang sarili niya sa akin.With my knotted forehead i turn to him.

"Ketsuya..hindi porke nice ako sa'yo sasamantalahin mo na.."i warn him.

Pero bakit nakakaramdam ako ng pagdaloy ng init sa katawan ko sa pagkakadikit namin..His arms on my arms..and i felt shiver..o kilabot lang?

Humalumbaba siya at pinagmasdan akong kumain..

Muryou:The Witch Memories[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon