Chapter 17-Solution

312 15 0
                                    

Alalang-ala pa naman ako na baka kung napahamak na si Kimiko sa kamay ni Nova nung hindi ko siya matagpuan sa bahay niya..agad kong pinapunta si Ken sa kinaroroonan ko para mapuntahan agad namin si Kimiko gamit ang instant transmission niya pero nalaman ko lang na kasama lang pala niya si Quinn! Takte..sunod-sunod tuloy akong napamura.

Sa tingin ko naman ay naglaho ang aura ni Nova kaya inaya ko na lang si Ken na umuwi na lang sa bahay nina Miyata.

"Hoy Ketsuya natulala ka na dyan!"tila natauhan naman ako nung madinig ko ang boses ni Shin.

Sina Miyata,Yumi at lahat sila ay nakamata sa akin.Dumating nga pala kaagad si Ayame at Seiji nung malaman na nandito ang god of goodness pero bago sila umalis sa mundo ng mandirigma ay tumawag muna sila ng pagpupulong sa bawat emperyo.Ibinilin nila sa mga mandirigma ang pagbabantay doon.

"Broken hearted pre.."nakangisi na sabi ni Ken sinamaan ko nga siya ng tingin.

"Ano Seiji may nalalaman ka ba tungkol sa pagiging kambal ni Lord Noda at Evil Nova?"Kei.

Bumuntong hininga si Seiji.Naghintay kami ng sasabihin niya.

"Noong una ay hindi ko din mapaniwalaan ang bagay na iyon..nadidinig ko lang iyon na istorya ng mga ninuno ko noong unang panahon.Si Noda na panganay sa kambal ang mas pinapaboran sa kanila ni Nova kaya nanaghili si Nova at nagrebelde.Nakita kasi ng magulang nila na nagtataglay si Nova ng kasamaan sa dugo niya kaya kay Noda isinalin ang mas malakas na kapangyarihan.."Seiji.

"Ngayon ay napatunayan natin na totoong kambal sila..sinasabi pa naman na ang mga kambal ay magkadikit ang kaluluwa..tss."Ayame.

"Kung ganoon ay hindi magiging ganoon kadali na mapaalis natin si Nova sa katawan ni Lord Noda."Eri.

"Kailangan nating maalis ang kaluluwa ni Nova kay Lord Noda..kung ayaw niyang umalis ng kusa ay tayo ang mag-alis sa kanya sa katawan nito."sabi naman ni Miyata.

"Ano ba ang dapat nating gawin Paano mapapadali ang lahat? Nauubos na ang oras na maaari akong mabuhay."frustrated ko na sabi.

Nabanggit ko na kina Miyata ang tungkol sa bagay na iyon..na maglalaho ako sa loob ng animnapu at tatlong araw.Nagulat sila at nalungkot ng malaman iyon.Pero wala na kaming magagawa..ang kailangan na lang ay gumawa ng solusyon sa problema ko hangga't may oras pa..sa lalong madaling panahon.

"Mayroon.."

Napabaling ang tingin namin kay Seiji na nagsalita.

"Ang may abilidad na magselyo ng kakayahan at kaluluwa..siya ang sagot sa problema natin.."

"Ano hahanapin na naman?! Walang katapusang paghahanap takteng yan!"bulalas naman ni Shin,Ken at Shugen.

"Kahit ano pa yan ay gagawin ko magkasama lamang kami ni Kimiko.."

Lahat sila ay natahimik sa sinabi ko..

Basta para kay Kimiko gagawin ko..

******

May isang linggo ng hindi ko nakikita si Ketsuya o sabihin natin ayaw magpakita.

Honestly i felt sad.

Paano kaya kung bigla ay makita ko siya?

Ano ang gagawin ko?

Ano ang sasabihin ko?

Naglalakad-lakad ako sa ground ng academy..nakayuko ang ulo ko nang may makita ako na pares ng paa.

Nag-angat ako ng tingin.Pakiramdam ko ay kumislap ang mata ko nung makita kong si Ketsuya ang taong nasa harap ko.My heart beat fast.Hindi na ako nag-isip at basta dinamba na lang siya ng yakap.My heart tells me so..

"Na-miss kita Ketsuya.."i felt him stiffen.

Walang respond akong nadinig galing sa kanya.Maya-maya pa ay naramdaman kong wala naman akong yakap kundi sarili ko lamang.

How come?

I know..i had feel him..his warmth..i feel it..his heartbeat..i heard it..

And now his gone or did he really appear?

..i had this feeling of emptyness..

Muryou:The Witch Memories[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon