Chapter 15~Isolation

293 13 1
                                    

Simula nung sagutin ko si Quinn ay hindi ko pa ulit nakikita si Ketsuya.Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa klase namin.Nakakapagtaka lang ay hindi naman siya hinahanap ng prof namin para bang automatic excuse siya.

I had this feeling na namimiss ko siya? Yung mga pangungulit niya sweetness at pagtatalo namin? Ipinilig ko ang ulo ko..hindi ko siya dapat ma-miss..kay Quinn ko lang dapat maramdaman yun.But yeah i miss him..the play is missing him..wala akong kapartner na king eh.

The day passed.Ang boring ng buong maghapon.Quinn had a practice.Parang tinatamad ako na manuod kaya nagpaalam ako sa kanya na uuwi na.

But instead sa bahay ay natagpuan ko ang sarili ko sa mall.My foot lead me here..i want to hangout,window shop.I had this feeling that i had this empty hole in my being.I want to fill it..maybe going out in a mall will do..

Naglalakad lakad ako when i see a familiar built.Bakit tumibok ng mabilis ang puso ko?

Its Ketsuya.

I wouldn't mistaken of his built.Nakatalikod siya sa akin.I can't take my eyes off him dahil baka mawala siya sa paningin ko.

"Ketsuya.."i call him pero hindi naman niya ako nadinig.

Agad ko siyang nilapitan.

"Ketsuya..wait.."hinawakan ko siya sa braso.

Hinarap niya ako.The cheerful Ketsuya who always had a warm smile for me was gone.I can't read what's on his mind.His reaction were blank.He stare at me with his cold eyes.Pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"I don't have time for you Kimberly."his voice were like an ice.

Pinalis niya ang kamay ko at agad na umalis.

I was shock.I never thought na magagawa niya sa akin yun.Napatanga akong nakasunod ng tingin sa dinaanan niya.

He call me Kimberly.Ibig bang sabihin noon ay sinusukuan na niya ako? Yun ang sabi niya dati..na tatawagin niya lang ako na Kimberly kapag nawalan na siya ng pag-asa na maaalala ko siya..

Why do i felt pain in my chest?

Bakit parang ayoko ng madinig ang pangalan na Kimberly mula sa kanya..i am comfortable with him calling me Kimiko..

Naguguluhan ako..hindi ko alam ang sagot sa mga tanong sa isip ko..

Maybe guilt?

Or rather..

..i had feelings for him??

Arggghh!

Naguguluhan ang utak ko!

Isa pa i'm in a relationship with Quinn for crying out loud! Si Quinn ang gusto ko..siya ang pinili kong sagutin..

But I had hurt Ketsuya damn much..i need to make it up for him..

I should apologize to him..

Kahit ilang beses pa..basta mabawasan ko ang sakit na naidulot ko sa kanya..

******

"Hoy mangkukulam wala ka bang balak na lumabas dito sa lungga mo?? Aba ilang araw ka na ding hindi naaarawan!"tungayaw sa akin ni Kei.

Hindi na lang ako umimik.Wala akong ganang lumabas.Noong minsan na lumabas ako ay minalas pa na nakita ko si Kimiko sa mall.Hindi ko tuloy naiwasan na pakitunguhan siya ng masama.Nasaktan niya ako.

Ayokong makita siya..nananariwa lang ang sakit na ipinaramdam at ipinaparamdam niya sa akin.

She choose Quinn over me.Mas gwapo at hot naman ako doon! Siguro ay kailangan na niya ng salamin.

Hindi ko na nagawa pang magsalita ng mga sandali na yun..Pakiramdam ko ay namanhid na ang pakiramdam ko na hindi ko din nagawang umiyak man lang.

Nabaliktad na talaga ang sitwasyon.Ako na talaga ngayon ang naghabol sa kanya.Ramdam ko na ngayon ang pakiramdam niya noong hinahabol niya ako habang si Yumi pa ang gusto ko.

Ang sakit.

Kahit ang isipin na may ibang gusto ang mahal mo ay masakit na..iyon pa kayang wala ka ng pag-asa dahil sila na..

Heto pa at problema ko pa kung paano ako patuloy na mabubuhay.Ilang araw na lang at maglalaho na ako..mga nasa tatlong linggo.

Para ngang wala na akong pakialam kung mabuhay man ako o hindi.Hindi ko naman alam ang dapat na gawin upang hindi ako maglaho..Isa pa kung hindi din naman mapapasaakin si Kimiko at hindi kami magkakasama ay ano pa ang saysay ng mabuhay?

"Ketsuya hinahanap ka ni Kimiko..nakita ko siya sa labas ng unit mo.."napabaling ang tingin namin kay Eri na pumasok sa kwarto ko.

"Sabihin mo ayoko siyang makita."malamig kong sabi.

"Talaga bang gusto mong sabihin ko~~~"

"Tagalog naman yung sinabi ko hindi ba? Gusto mo ba instikin ko?"sarkastiko kong sabi.Ang linaw-linaw naman kasi ng sinabi ko.Ang sama lang ng tingin sa akin ni Kei.Nagkatinginan ang dalawa.Tumango naman si Eri kay Kei.

"Okay..."lumabas na si Eri pero maya-maya lang din ay pumasok ulit sa loob ng kwarto ko at sinabing umalis na si Kimiko.

"Kailangan na nating mahanap talaga si Lord Noda."Eri.

"Sinabi mo pa..sa lalong madaling panahon ay kailangan na natin siyang matagpuan nagsisimula na ding masira ang balanse ng ating mundo..naglalabasan na ang mga kanibal sa isla nila..ang mga taong anino naman ay nakikipaglaro na.."Kei.

Napabaling ang tingin ko sa kanila.Wala akong naintindihan sa pinaguusapan nila kundi ang pangalang..

..Noda?

Parang nadinig ko na ang pangalan na yun ah..

Paksyet!

"Pinsan yun ni Kimiko ah!"bulalas ko.

Napatingin naman sa akin si Eri at Kei na nangungunot ang noo at para bang tinubuan ako ng sungay.

"Linawin mo nga yang sinasabi mo.."seryosong sabi ni Kei.

"Pinsan ni Kimiko ang pinag-uusapan nyo.."

"Ilarawan mo nga siya.."Eri.

"Mukha siyang maputla sa sobrang puti..light brown ang mata..yellow ang buhok nga lamang ay maiksi."

"Oh.."Eri.

"Siya na nga si Lord Noda!"Kei.

"Paano nangyari na pinsan siya ni Kimiko??"

"Parang may nangyayari na hindi maganda?"sabi ni Eri kay Kei.

"Tama ka honeypie..something is fishy..bakit kailangan pa magpanggap ni Lord Noda na pinsan ni Kimiko?at bakit kailangan niyang itago ang aura niya? Nasa paligid lang pala siya pero hindi natin naramdaman..ano ang dahilan ng pagtatago niya?"Kei.

Magulo nga ang mga nangyayari.Nakakaamoy ako ng panganib..

Isa lang ang nasa isip ko ngayon..

Mabilis akong tumayo para lumabas..

"Hoy Ketsuya saan ka pupunta?"habol ni Kei.

"Susundan ko si Kimiko..kailangan ko siyang bantayan.."at mabilis akong tumakbo palabas.

Kahit naman nagtatampo ako sa kanya ay hindi ko naman kayang hayaan na mapahamak siya..

Muryou:The Witch Memories[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon