Chapter 10~Bday Reunion

366 15 0
                                    

Masaya ako sa nangyayari sa amin ni Kimiko.Kahit na hindi niya ako naaalala ay nakakasama ko naman siya.Hindi na siya masyadong harsh sa akin ngayon although sometimes bitch mode talaga siya.

"Hey Ketsuya!"noon ko napansin si Yumi na makakasalubong ko pala.

"Oh hi Miyumi.."i tease her.She pouts.

"Tama ng si kuya Maru na lang ang natawag sa akin ng ganyan."

Napatawa naman ako sa kanya.

"Nga pala punta ka sa bahay bukas.."

"Bakit?"

"Birthday ni baby Tama.."

"Ahm..sure.."

"Pwede mong isama si Kimiko.."

"Kung ganoon isasama ko siya."

"Pupunta din ang mga salamangkerong mandirigma ng Libre hindi ko lang alam kung lahat ba sila ay makakasama.."

Inaasahan ko na ang bagay na yun..Kung ganoon ay makikita ko ang mga dating kaaway.Napangisi na lang ako sa isiping iyon.

"Wala ka bang klase?"

Sa tanong ni Yumi ay natapik ko ang noo ko.

"Oo nga pala..may practice pa pala ako para sa play namin.."

Napatawa naman sa akin si Yumi.

I need to be there walang partner ang empress ko..

********

Its seems that i am use to Ketsuya's presence.Hinahayaan ko na lang siya tutal he doesn't done any harm naman.

Nagpapractice kami ng mga kaklase namin ng gagawin naming play sa araw ng mga puso.It is just like an ordinary Cinderella story.I sigh.Hindi kasi ako mahilig sumali sa mga ganoon at saka ayokong mapanuod ako ni Quinn na malabo namang mangyari dahil nasa iisa lang kaming school tapos kapartner ko pa si Ketsuya..

Anyways..things between me and Quinn getting smooth..I felt okay about it.

Teka nasaan na ang Ketsuyang yun?

Namalayan ko na lang na dinala na ako ng paa ko sa labas ng classroom at hinahanap si Ketsuya.

Napaka-iresponsable na lalaki! Alam ng may practice kung saan punta ng punta! Di bale sana kung matuloy ang practice ng wala siya e siya nga ang lead actor.

Nang mamataan ko siya sa hindi kalayuan.Awtomatikong naningkit ang mata ko nung makita ko siya na may kasamang babae at nakikipagtawanan.

Lagot sa akin ang bruho!

Mabilis ang hakbang na lumapit ako sa kanila.

"Ketsuya!"malayo pa lang ay sigaw ko na sa pangalan niya.I saw him stiffen.

Masama ang tingin na binalingan ko ang babaeng kausap niya.Why do i have this feeling that i hate that girl e ngayon ko lang naman siya nakita? Hindi dahil sa nakita ko sila ni Ketsuya na nagtatawanan ngayon kundi dahil yun talaga ang nararamdaman ko..weird.

"Oh..hi Kimiko..nice to see you again.."nakangiti na bati sa akin ng babae na nagpataas naman ng kilay ko.

I eye her.She's pretty but i am much more beautiful..and her body?pinsadahan ko nga ng tingin from head to toe..err..she is too slim compare to me sexy..Inismidan ko nga siya.At Kimiko din ang tawag niya sa akin..nice to see you again? Baka siya nakita na ako pero siya ngayon ko lang nakita! Another weirdo..

Hinila ko si Ketsuya palayo sa babae pero bago kami makalayo ay binigyan ko ito muli ng masamang tingin.

Nung makalayo kami ay tumigil ako at marahas na iwinaksi ang kamay niya.

Muryou:The Witch Memories[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon