Chapter 19-Take Me

464 13 0
                                    

I felt my heart break every damn time Kimiko shed a tear to that bastard.I don't want to see her cry.She doesn't deserve it. Pagkatapos ng napakahabang panahon na pananakit ko sa kanya she deserve to be happy.

I sigh.

Lumabas na ako ng silid ni Kimiko pagkatapos ko magpaalam sa kanya na pupuntahan ko si Quinn at sabihin na mahal ko siya..Alam ko naman na walang katugon ang pagmamahal ko sa kanya.Wala namang problema sa akin..Maghihintay ako..Walang wala pa nga ang ipinaghihintay ko sa ipinaghintay niya sa akin.Nakakalungkot lang na nung malaman ko na mahal ko siya ay nabaliktad naman ang sitwasyon.Siguro sa darating na panahon ay mahalin na din niya ako..kapag handa na siya..

Pero may darating pa kaya?

Tatlong araw na lang ang nalalabi sa akin..Hindi ko pa din nagagawa amg misyon ko at higit sa lahat ay hindi pa namin nahuhuli si Nova..

I sigh.

Hindi iyon ang dapat kong intindihin ngayon kundi si Quinn..

Magbabayad sa akin ang buhok babaeng yun!

Agad kong kinausap si Maru sa isipan ko at sinabing papuntahin si Ken.Agad namang dumating si Ken at pinuntahan namin sa academy si Quinn.Doon kami mismo lumitaw sa kinaroroonan nila.Nagtalo pa nga kami ni Ken sinabi ko na lang na si Maru na ang bahala na burahin ang alaala ng mga bugok ang sabi naman niya ay ako ang magsabi.Tss..scared of that old minded sorcerrer..

Halata ang pagkagulat sa mata ng mga bugok lalong-lalo na si Quinn-ina.Aba yun talaga ang balak ko!

"P-aanong lumitaw ka bigla dito??"Quinn na pinaglilipat-lipat ang tingin sa amin ni Ken.

"I'm a witch thats why and i could cast a spell on you..gusto nyo gawin ko kayong palaka na puro kulugo?"nakangisi na sabi ko.

"Mayabang ka! Eh kung upakan kaya kita ngayon ha?"Kobe.

"May ipagyayabang naman."pang-asar ko pa.

"Huh! Humanda ka!"napipikon na sabi ni Kobe at sinugod ako ng suntok.

Pag-unday niya ng suntok ay pagtagos naman nito sa katawan ko.Bigla ay tila nahihintakutan na napaurong siya..

"P-aano mo yun nagawa??"nilingon nito ang mga kasama."Sibat na tayo..isa siyang mutant!"sabay takbo ni Kobe.Sumunod naman sa kanya ang mga kasama nila.Eh? Mutant? Pwede din.Napangisi naman ako.

Tanging si Quinn lang ang natira na tila natulala na.

Hindi ko na inaksaya pa ang oras ko.Iniluwa ko ang candy ni Toru at agad kong inupakan si Quinn.Nakakapagtaka lang na hindi siya lumalaban pero kahit ganoon ay hindi ko pa din siya tinigilan.

He deserve it! Every punch is worth for him! Damn him for hurting Kimiko!

At nung masiguro ko na hindi na siya makakatayo ay saka ko pa lamang siya tinigilan.

Inaaya ko na si Ken na bumalik kina Kimiko at ang freak gusto pa na sa kwarto ni Kimiko kami lumitaw eh mamaya nyan nagbibihis ang mahal ko ano siya sinuswerte!

Bumalik na agad si Ken kina Miyata.Kakailanganin din nina Seiji ang tulong niya para malibot ang lahat ng lugar na maaaring kinaroroonan ni Nova.

Pumasok ako sa kwarto ni Kimiko.Agad siyang nagbaling ng tingin sa akin.Lumapit ako at naupo sa kama sa tabi niya.

"Anong ginawa mo? Bakit mo pinuntahan si Quinn? At eh..ang bilis mo yata.."

"Binugbog ko."

Nanlaki ang mata niya.Napasimangot naman ako.

"Bakit ayaw mo ba yung ginawa ko sa kanya?"

Pero sa halip na sumagot ay niyakap niya ako.Lumakas na naman ang pintig ng puso ko..nakakabading pero yun talaga ang nararamdaman ko!

Muryou:The Witch Memories[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon