"Kayo na ang bahala kay Kimiko.."
Kausap ko ngayon si Miyata,Yumi,Maru,Ken at Toru.Nandito din si baby Tama na walang kamalay-malay pa sa nangyayari.Nagpapaalam na ako sa kanila.Malapit ng maglipat ng araw at malapit na din ako mawala..mawala ng wala kahit anong bakas..Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag naglaho ako..sigurado wala kahit kaluluwa..no nothing sabi nga nina Kei.
I sigh.
Si Kimiko ay iniwan ko kasama si Tala na nag-iihaw ng barbecue.
Sinulit ko na ang araw na ito.Pinakasalan ko si Kimiko yun talaga ang gusto kong mangyari.Alam ko na hindi ko na yun magagawa pa kaya hindi ko na ipinagpaliban.Kahit paano ay may babaunin akong masayang alaala sa huling pagkakataon ko sa mundo..
Hindi ko na inalam pa ang misyon na hindi ko nagawa dahil huli na din naman ang lahat.
"Miyata wala ba tayong magagawa?"si Yumi na hinihila ang tuxedo ng asawa.
Malungkot na napailing si Miyata.
"Kung kaya lang ng kapangyarihan ko na panatilihin siyang buhay ay gagawin ko.."Miyata heave a deep sigh.He looks straight to my eyes."You are my big brother Ketsuya..we have the same blood..i just want you to know that i care for you a lot though hindi ako yung tipo na showy.."
"I know that already Miyata..thank you for accepting me and being a brother to me."i smile weakly.
"Rock and roll to the world king witch."nag-rock and roll hand sign pa si Toru.
"Gusto mo yata ng batok dyan Toru kita mo ng mawawala na nga itong si Ketsuya dadalihan mo ng ganyan."sermon ni Maru.
"Kapatid naman pinapagaan ko lang ang sitwasyon para kay Ketsuya at baka tumulo pa ang uhog niya malunod pa tayong lahat...yuck yun.Pero seryoso pre..kahit anong mangyari nandito lang kami para sa'yo..pamilya tayo dito."seryoso ng sabi ni Toru.
Si Ken naman ay sumaludo lang sa akin.
"Sige paalam na sa inyo.."malungkot kong sabi."Maru ikaw na ang bahala kay Kimiko.."tumango sa akin si Maru.
Tumalikod na ako sa kanila.
I wave my hand habang nakatalikod.Nadinig ko pa ang pag-iyak ni Yumi.
Hindi na ako nagpaalam kay Kimiko.Mas lalo lang magiging masakit sa akin kung makikita ko pa siya.
Si Maru na ng bahala sa kanya..
******
Ang tagal naman ni Ketsuya.Kanina pa niya ako iniwan dito kay Tala.
I miss him already.
Sadya! Love ko yun eh!
Mamaya ay honeymoon namin.Ihh..excited ang tinggel bells ko ih..!
"Tala pupuntahan ko lang si Ketsuya ha dyan ka muna.."
Bumaling ng tingin sa akin si Tala mula sa pag-iihaw.There's something in her eyes..eh..parang ang lulungkot ng hitsura ng mga tao dito eh kasal ko pa naman ngayon..ang weird lang ha.Bago pa makasagot si Tala ay iniwan ko na siya.
Pumasok ako sa cottage namin.Nasa pintuan na ako ng madinig ko si Yumi na umiiyak?Eh?
Nandoon din sina Maru,Toru at Ken.
"Miyata si Ketsuya..wala na siya..mawawala na ang kapatid mo..maglalaho na siya dahil hindi niya nagawa ang misyon niya.."iyak ng iyak si Yumi habang nakasubsob sa dibdib ni Miyata.
"Hush Yumi..ang anak natin naiiyak na din sa pag-iyak mo.."nakita ko nga sa isang sulok si Tama na parang maiiyak na din habang nakatingin sa mama niya.
BINABASA MO ANG
Muryou:The Witch Memories[Complete]
Adventure[Side Story of Muryou]What if Ketsuya had given a second life? Would he choose to live or die?