Nag kuha ng mga kahoy ang mga lalake sa bakod ng kanilang paaralan dahil yun ang utos ng kanilang guro.Sinabihan na din sila na ang kanilang magiging activity ay mamayang gabi pagkatapos nilang mag hapunan.Habang nag kukuha ng mga kahoy ay biglang sumulpot ang dalawang babae na kaklase nila,ito ay si Tisha at Hannah.
"Hi Brix"Maarteng bati nito sa Jowa niya.Nginitian lang siya ng binata at tumuloy sa pag tatrabaho.Lumapit nalang agad si Tisha at pinunasan ang pawis na nasa mukha ng kanyang jowa.
"Uuuuuy!!!Ang sweet!!!!"Biglang sigaw ni Deniel at Don Carlo habang kinikilig na nakatingin sa sa dalawang nag lalambingan.
"Salamat Tisha.Ok lang ako."Sabi nito at nilayo ang kamay ng dalaga.Nag taka naman si Tisha sa ginawa ng nobyo sakanya kaya pinabayaan nalang muna niya at binalikan si Hannah na nakaupo sa tabi-tabi.
"May problema ba?"Tanong ng kasama niya.Ngumiti lang si Tisha at umiling nalang.Nasasaktan na kasi siya sa mga hindi pag pansin sakanya ni Brix.Ang alam niya ay mahal parin ni Brix si Jana na ilang taon na ding nag mamahalan noon pero ang iniisip lang niya ay yung sitwasyon nila ni Brix na kahit ilang buwan palang,dapat ramdam niyang saya ni Brix dahil mag nag mamahalan din silang dalawa,ngunit hindi yun ang nararamdaman ni Tisha,siguro ay hirap pa ang binata sa pag hiwalay sakanya ni Jana.
"Intindihin mo muna si Brix,mag sasawa din yun"Sabi ni Hannah kay Tisha habang nakaupo sila sa bench.Hindi na nakayanan ni Tisha at nilabas nalang niya ang luha niya habang dahan-dahang hinaplos ni Hannah ang buhok nito.
"Paano kung hindi?Paano kung mahal pa nila ang isa't-isa?"Umiiyak na tanong nito.Hindi kaya ni Tisha na masaktan dahil marami na din siyang beses na umasa lang sa ibang tao kahit hindi naman siya mahal.
"Huwag mo nalang isipin na mahal nila ang isa't-isa.Mas lalong sinasaktan mo lang ang sarili mo"Sabi ni Hannah at niyakap ang kaibigan.
Sa dorm nina Justine ay andun lang nakayuko si Reyna habang hawak-hawak ang cellphone ni Jack,napansin naman ito ni Justine kaya nilapitan niya si Reyna at kinuha ang cellphone ni Jack.
"Bakit nasayo ang cellphone ni Jack?"Tanong niya kay Reyna at kapansin-pansin nito sa cellphone ang natitirang dugo.Nag dududa naman si Justine tungkol kay Reyna kaya tinitigan niya ito ng parang masama.
"May kinalaman ka ba sa pag kamatay ni Jack?"Tanong niya sa dalaga.
Hindi ito pinansin ni Reyna at iniwan lang ang dalaga pero hinabol ni Justine ang kamay ni Reyna at hinigpitan niya itong pag kahawak nito.
"Bitawan mo nga ako!!Kung ako ang sinisisi mo Justine,sisiguraduhin kong ikaw ang uunahin ko..Pero nagkakamali kang ako ang pumatay sa kanila..Kalma ka lang Justine,ikaw mismo ang sumira sa pag kakaibigan natin.Tandaan mo yun..Wag kang mag-aaalala,tinatakot lang kita.Kaya ko lang naman hawak ang cellphone ni Jack dahil binigay sa akin yan ni Cheyenne.Alamin mo din kung paano nang hihingi ng tulong sa atin si Jack,tanging sina Floressa lang naman ang nakaalam."Sabi ng dalaga at iniwan na ng tuluyan si Justine.
Hindi na alam ni Justine ang gagawin niya pagkatos na sigawan siya ng kaibigan niya.Pinaalala kasi ng dalaga sakanya ang mga karanasan nila noon kaya sila nag-away.
Sa loob ng dorm nina Zainas ay andun siyang nakaupo habang nakatingin sa bintana at sobrang lalim ng iniisip niya.Nakita naman ng isa niyang kaklase na si Shenieth na sobrang tahimik nito kaya nilapitan niya ito.
"Ok ka lang?"Tanong ng dalaga sakanya.
"Ok lang naman."Sagot naman niya at hindi parin magalaw ang paningin niya.
"Bakit parang ang lungkot mo?"-Shenieth
"Si Jack"-Zainas
Tumayo naman ang balhibo ni Shenieth nang narinig niya ang pangalan na yun dahil sa pagtataka ng dalaga ay nagtanong siya dito.
"Bakit?anong meron kay Jack?"Tanong ng dalaga
"Yung text ni Jack,kung alam ko lang na kailangan pala yung solbahin para iligtas siya.."Sabi nito at dumaloy ang luha ni Zainas.
"What do you mean?"-Shenieth
"Yung text niya.."- ulit ni Zainas.
Pinasok ni Zainas ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at kinuha ang cellphone dun sabay pinakita kay Shenieth ang inbox na may text ni Jack.
From:Jack
Call it then hear the answer.
(July,30 2015) (20:40) (1) Where did i hide you?Pagkatapos basahin yun ni Shenieth ay tinignan niya ang mukha ni Zainas.
"It's A Logic na parang dinadaan niya sa Numbers."Sagot nito sa kasama sabay kuha ng phone niya."(1) that means 1 minute..He gave us a time para hanapin si Jack,but were just too dumb dahil hindi agad natin binigyan ng atensyon ang text niya,ramdam kong ang killer ang nag send nun sa atin.I can feel it."Galit nitong dagdag kaya tinapon niya ang kanyang cellphone.
Killer's POV
How brave are you Zainas? Para lang dyan? Ngayon mo lang nalaman? Tsss. That's not what you called brain,.. Well, this time.. kailangan ko ng mag handa para sa magandang pyesta mamayang gabi. It will be fun again.
-edited
BINABASA MO ANG
CS:The Revenge (EDITING)
RandomYou ready for this section? Wanna join them? Well,you might get hurt little by little. Just be careful. This is edited ^_^ Pls, look forward to the every chapter. Thank you so much.